Beatrice, Dingdong at Winwyn, pinaligaya ang mga sugatang sundalo!

Ang bongga naman ng mga celebrity reservist na sina Dingdong Dantes, Beatrice Luigi Gomez, at Winwyn Marquez na binisita ang mga sugatan at may sakit na mga sundalo sa Victoriano Luna Medical Center sa Quezon City.

Ipinost ni former Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez ang mga litrato ng pagdalaw nila. Makikita na naka-military uniform sila.

Pagkatapos nga raw ng AFP Reservist National Convention kung saan nagbahagi siya ng mga kwento at camaraderie kasama ang mga kapwa niya reservist sa iba’t ibang branches ng Armed Forces of the Philippines, nagkaroon naman siya ng oportunidad na madalaw ang mga bayani natin.

Isa nga raw ‘heartwarming experience’ ang pagdalaw at pamimigay nila ng regalo.

Honored daw siya na makilala ang mga kapatid natin na may passion sa pagsilbi sa ating bansa.

Maaalalang pinarangalan siya ng Military Merit Medal noong taong 2022 at kinilalang Honorary Member of Friends of Marines.

 Sinaluduhan naman siya pati sina Dingdong at Winwyn sa ginawa nila na siguradong napasaya ang mga sundalo. Bongga.

Show comments