Marami ang nagulat nang muling makita nang personal ang aktres na si Lorna Tolentino noong magkaroon ng mediacon ang pelikula niyang Espantaho.
Ina ni Judy Ann Santos ang role niya, pero kung pagbabatayan ang hitsura, para lamang silang magkapatid ni Juday. Mas gumanda at naging slim si Lorna sa ngayon.
“Tumatanda na rin tayo at marami na ring sakit, there was a time na iyong gamot na ipinagagamit sa akin, lalo na iyong spray para sa asthma mayroong steroids, at dahil doon kaya medyo lumaki ang mukha ko at nagmukhang mataba. Nang itigil na iyong gamot na iyon, nagbalik na sa dati ang mukha ko.
“Ngayon ang dami ko pa ring gamot. May pre-diabetes na ako, pero ang ipinaiinom sa aking gamot para roon ay mild lang talaga. Pero metformin din. Minsan nagpa-MRI ako may nakitang clots sa brain, sabi nila mga mild stroke daw iyon na hindi ko napansin o naramdaman. Nakukuha raw iyan kung sobrang stressed ka, and I admit na dumaan ako sa ganoong buhay noong panahong may sakit si Rudy,” sabi pa ni LT.
Aware ba siya na ang role na kanyang ginampanan ay unang inialok kay Vilma Santos?
“Oo alam ko. Una, salamat kay Ate Vi, nagkaroon ako ng isang magandang pelikula. Iyong isang role, hindi mo iaalok sa isang top caliber actress na kagaya ni Ate Vi kung hindi maganda. Kaya nang i-offer sa akin, hindi na ako nagtanong, sigurado magandang role iyan, At tapos si direk Chito Roño pa ang gagawa, ano pa ba naman ang itatanong mo. Tinaggap ko agad at hindi ako nagkamali, isa ito sa pinakamagagandang pelikulang nagawa ko,” sabi ni Lorna.
Samantala, si Lorna kahit na noong araw ay sinasabing isa nga sa mga pinakamagandang aktres sa pelikulang Pilipino, at nakakatuwa namang napanatili niya ang kagandahang iyon.
Sa mga bago ngayon, sino ba ang maaaring tumapat sa kagandahan ni Lorna?
Maris, nagmadali sa pagsagot
Kung panahon pa iyan ni Mr. M (Johnny Manahan) hindi na niya papayagang magsalita pa si Maris Racal. Patatahimikin na lang iyan, na mukhang mas tama naman.
Noong panahong iyon, hindi ba napakalaking scandal ang nangyari kay Maricar Reyes.
Pero ang naging action ni Mr. M, tumahimik na lang dahil hindi naman tatagal may bago na namang issue at mas mabilis na makakalimutan ng tao kung wala kang sasabihin.
Hindi nga nagtagal may pumutok na iba pang issues. Iyong mga nag-ingay mas napag-usapan, mas lumaki ang damage.
Si Maricar na nanatiling tahimik, nakaligtas sa hindi magandang usapan.
Tama rin ang sinabi ni Maricar Reyes, bagama’t hindi naman masasabing tungkol iyon sa kaso ni Racal. Sabi niya, “life is a marathon, not a sprint.”
Ang buhay ay patibayan, hindi naman unahan. Hindi dapat tumakbo nang napakabilis, kailangang dahan-dahan lamang at masigurong matatapos mo ang laban.
Aktres na maelya, bagay sa starlet!
“Ang totoo, napakahilig ng babaeng iyan at kaya iyan nagkaganyan ay dahil hindi siya ginagalaw ng dati niyang boyfriend. Eh nakatikim siya noong tinangay siya agad at ibinigay ang matagal na niyang hinahanap, hindi na siya lonely,” sabi ng isa naming informant.
Pagpapatuloy niya :“Ang mas dapat niyang naka-encounter iyong isang male starlet na lumalabas sa indie. Palibhasa nag-aral iyon ng nursing, marunong sa buhay at sigurado pa siyang hindi siya mabubuntis. Eh ang masakit pa ngayon pagkatapos ng mga gulo nila kung lumabas na buntis nga siya, papaano na?”
Kayo na magdiskubre sa kanila, pero andyan lang sila sa tabi-tabi.