Na-manifest ni Ruru Madrid ang kauna-unahan niyang Metro Manila Film Festival entry na Green Bones.
Inamin ng aktor na-feel niyang magkakaroon siya ng sariling MMFF entry matapos manood ng Firefly noong nakaraang taon.
Ang Firefly ang MMFF entry ng GMA noong nakaraang taon na pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at child star Euwenn Mikael. At inamin ito ng actor sa mediacon ng pelikulang prinodyus ng GMA Pictures, GMA News and Public Affairs at Brightburn Entertainment.
Dinirek ito ni Zig Dulay, na siya ring direktor ng Green Bones ngayon.
“To be honest, last year, when I was watching Firefly, parang nu’ng pinapalabas na ‘yung end credits, bigla ko lang naramdaman, sinabi ko nga na pakiramdam ko next year, magkakaroon ako ng MMFF project. And na-manifest po siya lahat.
Dagdag pa ng aktor, “Ang gift din siguro ito, itong lahat nangyayari Green Bones. Nakagawa po ako ng dalawang teleserye tapos isang pelikula, parang hindi po.. parang ‘di siya sumagi dati sa utak ko, pero ngayon nangyayari at bukod po siyempre ‘yung mga mahal ko sa buhay andiyan ang pamilya ko, mga kaibigan, mga katrabaho lalong lalo na si Bianca (Umali).”
Kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya : “I’m just very grateful sa bumubuo ng team ng Green Bones because ginuide nila ako throughout the process of this project.”
Ibang-iba raw ito sa mga nagawa na niyang TV series tulad ng Lolong at Black Rider.
“It’s very different. And ako kasi ‘yung tipong tao na I always want to challenge myself to get better at ayoko ma-stuck doon sa mga… you know, sa comfort zone na meron ako. So ‘yun ‘yung challenge ko, every single day, gusto ko may bago akong mapapakita, gusto ko magiging better ako and be the best version of myself. So, in this project, I guess somehow, na-push ako doon sa limits ko,” patuloy ng Kapuso aktor.
At pinaghandaan niya raw na mabuti ang papel na isang prison guard na si Gonzaga. Sumailalim pa raw siya sa workshop at nanood ng ilang pelikulang makatutulong sa pagganap niya sa nasabing karakter.
“Para lang makita ko ‘yung difference ng totoong cinema sa TV because sanay na sanay ako sa telebisyon. But in this case, I guess it’s very different. But like what I said earlier, sobrang na-enjoy ko talaga ‘yung proseso ng paggawa. Meron kang space at ‘yun siguro ‘yung pinaka-na-enjoy ko r ito. Like si Direk Zig, lagi siyang nand’yan to guide us, makikipagkwentuhan siya, hindi siya magdi-dictate kung anong klaseng atake ‘yung gusto mong ilabas dito. Pero hahayaan ka niya, and then you’ll do different versions para at least, mahanap kung ano ba talaga ‘yung tamang timpla ng karakter mo. So, grabe, sobrang na-enjoy ko talaga ‘yung paggawa ng pelikula,” sabi pa Ruru.
Samantala, kilig na kilig si Ruru sa birthay post para sa kanya ng girlfriend.
“Sobrang kinilig ako... ako kasi you know matagal na kaming dalawa, magpi-pitong taon na rin kami pero ‘yung pagmamahalan at suporata sa isat-isa parang nandun pa rin at ah masasabi namin parang ganun siguro kami ngayon parang nakatutok kami sa kung papaano namin mapupush ang isat-isa dun sa pagtupad ng mga parangrap namin,” pag-amin pa ng aktor.
Sa ngayon ay future na ang pina-plano nila.
“Ang dami na rin namin mga nagawa together like may mga business na kami na magkasama but ah siyempre ako sa ngayon pinopondo-pondo lang muna kami then eventually you know for me kasi siya na talaga ‘yung nakikita kong tao na gusto kong makasama habang buhay so ang tadhana na lang po talaga ang makapagsasabi kung kailan po mangyayari ang you know ang masasabi kong kami na tagala sa isat-isa at ikakasal kami.”
Samantala, hindi tumitingin sa competition si Ruru :
“Kasi ever since na nagsisimula pa lang ako galing ako sa Protégé, hindi talaga ako tumitingin sa kompetisyon parang ako simple lang po ang hangarin ko at alam po ng Panginoong Diyos, alam niya kung bubuksan niya ang puso ko, ang gusto ko talaga ay makagawa ng mga proyektong makabuluhan kung saan makakapagbigay po ako ng inspirasyon sa mga tao lalung-lalo na po sa mga kabataan. Ganun lang po kasimple. ‘Yung kompetisyon po hinahayaan ko na lang po yung mga tao na gumawa niyan pero sa akin malinaw po sa akin hindi po ‘yun hindi po yun yung goal ko.”
Anyway, kasama rin sa cast ng Green Bones sina Dennis Trillo, Iza Calzado, Wendell Ramos, Alessandra de Rossi, Michael de Mesa, Ronnie Lazaro, atbp. mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee.
Isinasalaysay ng GMA Pictures, GMA Public Affairs, at Brightburn Entertainment ang isang bilanggo, na ginampanan ni Dennis Trillo, na parolado na matapos makulong dahil sa pagpatay sa kanyang kapatid na babae at pamangkin. Gayunpaman, ang isang prison guard na ginampanan ni Ruru Madrid ay naglalayong tiyakin na mananatili ito sa bilangguan.
Mapapanood ito sa mga sinehan simula December 25.