^

Pang Movies

Pagputok ng Kanlaon, nakakawindang

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pagputok ng Kanlaon, nakakawindang

Naloka ako sa napanood ko na pagbuga ng makapal na usok at abo ang Mount Kanlaon Volcano sa Negros Island na may taas na 3,000 meters kahapon.

Agad na itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level 3 sa nasabing bulkan kasunod nga ng “explosive eruption”.

At ang sabi bumubulwak pa rin ang bulkan hanggang kahapon ng hapon.

Grabe kung kailan naman Pasko saka naman may  ganitong sakuna.

Paano na lang ang mga nakatira sa malapit sa lugar na ‘yun?

Ilang buwan na pala itong nasa alert level 2.

Tinamaan daw ng abo at bato ang  isang barangay doon.

Pinayuhan na ng Phivolcs ang paglikas ng mga residente sa loob ng anim na kilometrong radius ng bulkan.

Ipagdarasal ko na huwag naman sanang magtuluy-tuloy ang pagsabog ng Mount Kanlaon Volcano na pangatlo pala sa most active volcanoes sa Pilipinas.

Ayon kay Kuya Kim Atienza, number 1 ang Mayon Volcano at number 2 ay ang Taal Volcano.

May natutunan pa tayo ha kahit paano.

Pero sana naman ay tumigil na sa pagbuga ng bato at abo ang Mount Kanlaon.

Help us Lord, Pasko na.

KANLAON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with