Alex inilibing na ang mga kinasangkutang kontrobersya

Alex, Mikee at SPEEd
STAR/File

All-out ang suporta ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa kandidatura ng mister na si Mikee Morada.

Ito ang kanyang major chika sa Christmas party ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) last week na ginanap sa Rampa Drag Club, Quezon City. Kasama niya ang politician husband na si Mikee Morada, konsehal ng Lipa City, Batangas, na tumatakbong Vice Mayor ng naturang lungsod

“First ko lang yata naipakilala sa mga taga-SPEEd, editors, press people – ang asawa ko. Kasi nagpakasal kami, pandemic,” anang actress/vlogger.

Lie low muna ngayon si Alex dahil gusto niyang mag-focus sa kanila ni Mikee. Kaya may mga tinatanggihan na siyang offer. “Siyempre thankful tayo. Pero ang iniisip ko pa rin is ‘yung asawa ko at we’re trying to have a baby. Ayokong mawala sa focus... ‘Yun ang priority,” pahayag naman ni Mikee.

“‘Yun muna, starting a family, building a family. Medyo mahirap pagsabayin…” dagdag naman ni Alex.

Consistent si Alex sa kanyang pagme-mellow, I mean mas behave na.

Tapos na raw siya sa mga kung anu-anong ‘kagagahan’ nu’ng medyo bata-bata pa siya. “Alex will always be Alex... Pero mas careful na siya ngayon,” patotoo naman ng mister na nakipagkantahan sa official and members ng SPEEd sa isang impromptu sing along session.

“Sa kanya na lang ako nagiging naughty,” hirit naman ni Alex na lu­magare pa that night, bago siya pumunta sa party ng SPEEd ay dumalo na siya sa party ng Belo Medical Group.

Pero kahit na si Mikee ang priority niya, consis­tent si Alex sa mga na­ngunguna, pinakamalakas na vloggers ng bansa at lalo pang nadagdagan ang subscribers niya na ipinagpapasalamat niya. “Kasi nakita ko kung paano niya inumpisahan ‘yung vlog, nu’ng nanliligaw pa lang ako. ‘Yun ang pinakauna niyang vlog. Hanggang ngayon, siya pa rin ang nag-e-edit, at inuupuan niya ang lahat. ‘Pag nakita mo ‘yun, talagang mapa-proud ka sa kanya,” pagmamalaki ng mister ni Alex na parang hindi nagma-mature ang face.

Kaya okay na raw muna si Alex sa vlogging at gusto niyang mag-focus sa pagsuporta sa asawa.

Pero si Alex ay hindi isinasara ang posibilidad na pasukin din ang pulitika, pero umiiling si Mikee. “Hindi muna tayo magsasalita nang tapos. As of the moment, nag-e-enjoy akong sinusuportahan ko lang si Mikee,” katwiran ni Alex.

Hirit ng batang pulitiko na galing sa mayamang pamilya sa Batangas, mas mabuting nasa showbiz na lang ang misis.

Sa kasalukuyan ay hindi na nagpapaapekto ang mag-asawa sa ilang binubuhay na mga isyu ni Alex noon. Kinalimutan na raw nila ‘yun at ayaw na ng actress / host / vlogger na ibalik ang nakaraan.

“It’s part of the consequence ng pagiging childish at immature ko noon. What’s important, lagi akong nire-remind ng asawa ko, my family – you know your mistakes and you’re trying to improve, trying your best na hindi ulitin. At nakikita namang nagbabago ka.

“Nagma-mature… hindi forever bagets, hindi forever makulit,” katwiran ni Alex na dama mong totoo ang kanyang sinasabi.

Geraldine Jennings, inaligaga ng MaThon fans

Grabe, pati ang upcoming actress/singer na si Geraldine Jennings ay inaaligaga sa kontrobersiya nina Anthony Jennings at Maris Racal.

Ang impression kasi ng lahat, magkamag-anak sila dahil iisa ang apelyido.

Kaya naman ang daming nagtatanong kay Geraldine kung anong reaction niya kay Anthony na nag-sorry na rin matapos ang ginawa ng ex-girlfriend niyang si Jamela Villanueva na inilabas ang mga sexting conversation nila ng ka-loveteam.

Eh kasalukuyang nasa United Kingdom si Geraldine, doon siya nag-aaral.

Pagkatapos ng launching ng second single ni Geraldine na If I Will Ever Love Again under Star Records umalis na siya ng bansa.

Doon pa lang sa press launching ay mga natanong na kung relatives ba sila ni Anthony, at klaro ang sagot niya, hindi siya sure.

Tatanungin daw muna niya ang ama.

Pero ang chika, nasa UK rin ang ama ng controversial actor kaya may possibility na magkadugo sila.

Awws.

Ano bang take ni Geraldine sa mga pangyayari kina Anthony, Maris and Jamela tanong namin sa kanyang mommy Gina na pinaabot niya kay Geraldine.

Medyo mahaba ang sagot niya : “I am not on anyone’s side at all. I think all three have faults in what happened. My advice for Maris and Anthony is to take accountability for their actions and what they did, as if your apologies come from the heart it will come across as sincere for everyone.

“Blaming other people for what happened isn’t the best way to go. Everyone makes mistakes and it is super normal but being genuine and accepting your actions will help you in the long run especially with your career as people can see the sincerity.

“Eventually you guys can bounce back from this setback, you will be fine. You will turn out stronger than before, with what you overcame.

“For Jam, I feel for you and know it is hard to experience getting your heart broken in this unfortunate way and can relate as pain is normal as a lot of people have experienced this with their exes. In the future it would have been better not to share personal screenshots of messages to the world, as it would cause more harm than good.

“I do believe in standing up for oneself for their mental health, but it has to be in a logical and classy way without airing dirty laundry to the world.

“This is quite simple advice but in the future I think Jam, Maris, and Anthony should think twice before they send anything.

“Regardless, everyone has all made mistakes here and no one person is to blame. For the public, I think we shouldn’t have this cancel culture over these people, as we all make mistakes. The difference is these people are in the spotlight and their mistakes are exposed everywhere.

“In the long run, we shouldn’t cancel Maris, Anthony or Jam because I’m sure after this they have learned from everything. Cancel culture can really ruin careers or lives of people and we should look past mistakes,” ang reply ni Geraldine na natanggap namin.

Show comments