^

Pang Movies

Donita, maraming pinagawa sa katawan!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Donita, maraming pinagawa sa katawan!
Donita Rose
STAR/File

Fifty years old na pala si Donita Rose na kakaselebreyt lamang ng kanyang birthday.

Ipinakita niya sa isang post ang kanyang look sa kanyang ika-50th birthday pero hindi nga halata sa mukha niya na ang edad.

Hindi naman niya nakalimutang pasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya na ma-achieve ang kanyang look. “Feeling incredibly blessed to celebrate my big 5-0 today! Huge thanks to the amazing people who’ve helped me look and feel my best,” caption niya sa kanyang post noong birthday niya.

Hindi naman itinago ng misis ni Felson Palad ang pinagawa niya sa kanyang katawan.

Ikinuwento niya sa isa niyang post ang kanyang weight loss journey.

Inamin niyang nagsimula ang kanyang pagpapapayat sa pagpapa-liposuction.

Wala raw siyang pakialam sa sasabihin ng iba tungkol dito at laking pasasalamat daw niya sa bagong siya.

Pero hindi lamang daw ang lipo ang nakatulong sa kanyang maabot ang timbang kundi nag-gym at nagbago siya ng eating habits.

Hindi raw sapat na gawin ito at kailangan daw may aftercare plan gaya niya.

Hindi rin niya tinago na nagpa-facelift siya na dedma rin daw siya sa nagsasabing mas maganda ang natural beauty.

Ngayon nga ay mas confident na raw siya na nakapagbawas na ng 40 lbs at masaya raw siya sa resulta ng kanyang pagpapapayat. Bongga.

DONITA ROSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with