^

Pang Movies

Toni at Charo, iniintriga

Gorgy Rula - Pang-masa
Toni at Charo, iniintriga
Toni Gonzaga at Charo Santos
STAR/File

MANILA, Philippines — Marami ang naintriga sa ipinost sa social media na pagkikita nina Charo Santos at Toni Gonzaga, kasama ang asawa niyang si direk Paul Soriano.

Marami ang nag-react nang ipinost ito ni Toni sa kanyang Facebook account na may caption na, “Missed you, Ma’am Charo Santos! Great meeting and lunch with you.”

Nag-comment pa doon si Alex Gonzaga ng “Exciting,” at karamihan sa mga nagkomento ay na-miss na raw nila ang hosting ni Toni. Nagtatanong ang ilan kung babalik daw kaya siya as host sa PBB ng ABS-CBN Studios.

Pero nakakalusot pa rin ang gustong mam-bash at sinasabing nagmamakaawa raw itong magkatrabaho uli sa Kapa­milya network.

May ilang taong malapit sa actress/TV host na nakausap namin at nilinaw nilang si Ma’am Charo ang nagpatawag ng meeting na ‘yun over lunch.

Hindi lang sinabi kung ano ang pinag-usapan, pero mas marami ang natuwa sa pagkikita nilang dalawa. Nagtatanong kung meron nga bang nilulutong project para kay Toni?

Tahimik lang muna sa ngayon si Toni.

Masaya lang daw muna siya ngayon sa mga ginagawa niya sa kanyang YouTube channel.

Excited siyang ibinalita sa aming for the first time ay nakapanayam niya si Vic Sotto para sa promo ng MMFF entry nitong The Kingdom.

Ani Toni, “Super happy to sit down with Bossing for the first time and he welcomed us sa kanyang bahay.

“Masaya ‘yung interview, kasi first time ko siya makausap nang ganun katagal.

“Nag-open up siya about his movie, kung bakit siya napapayag, being a father at his age now and ‘yung pinakamasakit na nangyari sa kanyang showbiz career.

“Madami pa siyang na-open up na nakakatuwa kahit tapos na yung interview, ang dami pa niya naikuwento sa akin.

“Ngayon ko lang nakakuwentuhan si Bossing ng ganito. Ang dami kong natutunan sa kanya.”

CHARO SANTOS

TONI GONZAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with