Pareho palang nakaranas ng aksidente sa set ng Topakk ang mga bida nitong sina Arjo Atayde at Julia Montes.
Ayon kay Sylvia Sanchez, ‘di raw maiwasan na may maaksidente dahil madugo ang action scenes ng official entry ng Nathan Studios sa Metro Manila Film Festival 2024.
Sey ni Arjo: “May mga hiwa-hiwa. May mga pasa. Thank God, hindi nabalian ng buto. We have a very important message to send sa audience. Very interesting ‘yung story kaya ang hirap mag-no sa mga eksena na gusto ni Direk Richard Somes.”
Si Julia naman daw ay natusok ng pako ang kanyang kaliwang tuhod.
May dalawang ratings nga raw ang Topakk ayon kay Sylvia: R-16 at R-18 version.
“Para makapasok ang movie namin sa SM cinemas. Tapos R-18 doon sa mga hindi SM cinemas. There’s a rating para sa magkaibang audience ng Topakk. Kahit binawasan ng ilang madudugo at bayolenteng eksena, buong-buo pa rin ang kuwento at hindi nag-suffer ang ganda at kalidad nito,” paliwanag pa niya.
Jamie foxx, nagising sa tunog ng gitara
Sa stand-up special ni Jamie Foxx for Netflix titled Jamie Foxx: What Had Happened Was..., kinuwento nito ang tunay na nangyari noong magkaroon siya ng medical emergency in April 2023.
Ayon sa Oscar winner, he was “literally seconds and moments away from death” noong mag-collapse siya sa shooting ng pelikula niya with Cameron Diaz na Back In Action.
“It was just pure exhaustion. My body was just exhausted due to getting up there in age, and my body just faltering out. I was actually in a coma and didn’t wake up until a few weeks later.”
Ang daughter ni Foxx ang nag-alaga sa kanya noong comatose siya. Panay ang tugtog nito ng gitara hanggang sa magising siya. “She’s playing one of our favorite songs. And I said that’s the only thing that I could recall hearing in my sleep, and it brought me essentially out of my coma,” sey ni Foxx.
Jamie Foxx: What Had Happened Was… premieres Dec. 10 on Netflix.