Candy nag-panic, nawala ang anak!

Candy at Quentin

Nag-panic pala kahapon ang aktres na si Candy Pangilinan nang mawala ang anak niyang si Quentin sa Greenhills Shopping Mall.

Nag-post agad ito para magpatulong na hanapin ito na tumakbo raw kasama ang driver.

Pero ilang minuto lang ay nahanap din agad ito at sinabing “WE ALREADY FOUND HIM. A GROUP OF TEACHERS SAW HIM. PRAISE GOD. THANK YOU, EVERYONE.”

Laking pasasalamat niya sa mga guro na nakahanap sa anak at alam daw agad ng mga ito ang gagawin, at malaking tulong ang mabilis na pag-aksyon ng mga ito.

“Isang pagbubunyi muli sa lahat ng guro! Your sensitivity and ‘malasakit’ are truly encompassing. Mabuhay kayo!” papuri niya pa sa mga ito.

Si Quentin ay isang neurodivergent child na na-diagnose na merong Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) at Autism Spectrum Disorder.

Sylvia, walang pagbabago 

Talagang ‘pag friend mo si Sylvia Sanchez hindi ka niya malilimutan kahit na nga hindi kayo nagkikita o nagkakausap. ‘Yung hindi pagbabago ng ugali ni Sylvia ang dahilan kung bakit mahal na mahal siya ng showbiz writers.

Maski na ano ang estado ng buhay niya, mapataas o mapababa, iyon pa rin ang ugali niya, walang pagbabago. Kaya nga pati ang mga anak niya talagang minahal ng mga kaibigan niya dahil na rin kay Sylvia.

Bongga.

Show comments