Locarno Filmfest, ‘di nakakalimutan ni Enchong
Nagkuwento ang Kapamilya actor na si Enchong Dee ng experience niya sa pag-attend ng ilang international film festivals to promote the Metro Manila Film Festival official entry na Topakk.
“I remember when we were in Locarno Film Festival, there is this one film journalist noong pagkakita kay Direk Richard Somes, napaluhod siya. Gusto niya i-worship ‘yung gawa ni Direk Richard Somes. Gusto ko lang siya sabihin na I’m very proud na even the foreigners appreciate Topakk as a film.”
Topakk tells the story of a former special forces operative grappling with PTSD (Post-traumatic stress disorder) as he attempts to rescue a woman pursued by a corrupt police death squad.
Rochelle, nagmarka sa pananamantala
Habang papalapit na ang pagtatapos GMA series na Pulang Araw, patuloy na nakatatanggap ng papuri si Rochelle Pangilinan sa mahusay niyang pagganap bilang si Amalia Dimalanta-Torres, o Tiya Amalia.
Sa Instagram, nagpasalamat ang Kapuso actress sa mga positibong komento sa kaniyang pagganap, at ipinost ang screenshots ng ilan sa mga ito.
Kabilang sa mga markadong eksena niya sa serye ang pagiging mapagsamantalang tiyahin, na naging biktima ng pag-aabuso ng mga sundalong Hapon o comfort woman.
Ang Pulang Araw ang magiging kauna-unahang TV series ng Pilipinas na ipadadala sa buwan sa pamamagitan ng Lunar Codex’s time capsule.
Kasama ito sa Polaris collection, na ipadadala Lunar South Pole region ng buwan sa 2025.
Napili ang Pulang Araw na isama sa naturang proyekto dahil sa pagkukuwento nito sa mahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansa, na bahagi ng nangyari noong World War 2.
- Latest