Janine, patagong binitbit si Jericho sa Japan!

Janine at Jericho

Ang daming kinilig na fans sa latest vlog ni Janine Gutierrez kung saan ay makikita sila ng boyfriend na si Jericho Rosales na magkasama sa Japan trip.

Matatandaang dumalo si Janine sa Tokyo International Film Festival sa Japan for her movie Phantosmia last October at marami ang hindi nakakaalam na karay pala niya si Echo.

Sa latest YouTube vlog ng aktres ay pinasilip niya ang mga ganap niya sa TIFF pati na rin ang food tripping nila ni Echo roon.

Mapapanood nga sa vlog ang iba’t ibang restaurants na pinuntahan nila sa Japan at puring-puri ni Echo ang GF dahil napakahusay raw nitong maghanap ng mga lugar na kanilang kakainan.

“I am here because I want to let everyone know how amazing you are at finding great restaurants. Like so fast, so quick we ate at so many restaurants. I am guesting on her channel just because… just for fun. So that’s it,” sey ni Echo.

Sinabi rin ng aktor na “best travel buddy” niya si Janine because of this.

Sa nasabing vlog ay mapapanood kung gaano sila ka-happy na magkasama enjoying ramen, steak, ice cream at marami pang iba. Pumunta rin sila sa popular tourist spot ng Japan na Mt. Fuji.

Maririnig din sa vlog na ang tawagan nila ay “baba” kaya kilig na kilig ang EchoNine fans.

It can be recalled na noong nakaraang Agosto ay inamin ni Echo na nasa dating stage sila ng leading lady niya sa Lavender Fields.

Arjo, ‘di gets ang sinasabing anak ni Maine

Natatawa na lang si Arjo Atayde na hanggang ngayon ay marami pa rin ang naniniwala na may anak na ang misis niyang si Maine Mendoza bago pa man sila ikasal.

Actually, matagal na ngang issue ito na kahit alam naman halos nang lahat sa showbiz na hindi ito totoo, kung bakit patuloy pa rin ang ilusyon at delusion ng AlDub fans na may anak na sina Maine at Alden Richards.

“Hindi sila napapagod eh. Ang tagal na Mama Ogs, eh,” natatawang sey ni Arjo sa panayam sa kanya sa vlog ni Ogie Diaz.

Ipinagpapasalamat naman ng aktor ang pagmamahal ng mga fans sa kanyang asawa at naiintindihan din daw niya kung saan nanggagaling ang bashings.

“I appreciate the love that they showed for Maine. That’s all coming from love. The way they admired Maine and the love team. But we all have limitations as actors naman and we all see this course through the screen.

“‘Pag nakikita natin ang isang aktor na naba-bash sa maling paraan or what. And this is one of those times.

“Nu’ng nawatak (ang AlDub), obviously and siguro, I came in the picture, pati ako, nadamay sa bashing, eh.

“But it was part of it. I knew I was gonna get bashed. I really don’t care what people have to say. If it’s not true, why bother? I can die tomorrow. Why would they think about what you’re saying? That’s how I think,” pahayag ng aktor.

Nilinaw nga rin niya na wala siyang sinagasaang tao nang magkaroon sila ng relasyon ni Maine dahil hindi naman daw nito karelasyon si Alden.

“There’s nothing wrong about me loving the person. They’re not in a relationship. I’m not stepping on anyone.

“Hindi ko lang ma-gets ang logic. But again, I understand where they’re co­ming from despite the bashing.

“So I hope that maintindihan nila ako at kami, especially Maine, of course, my wife, to stop all these unnecessary comments. Wala naman talagang katotohanan,” dagdag pa ng aktor.

Idiniin din ni Arjo na pareho silang walang anak ni Maine at pareho ring single before the marriage.

“Wala siyang anak, wala rin akong anak. We’re both married single. So I hope people respect that. Tigil-tigilan na po ‘yung pagba-bash,” saad ni Arjo.

Show comments