Pamimigay ng award biglang dumami, nakakaloka na!

PhilStar Big Boss Miguel G. Belmonte

Salve, ba’t ba ang daming namimigay ng award.

Hahaha.

Legit ba ‘yun?

Nakakaloka kasi na ang dami kong nababasa na may natanggap silang award na ganito o ganun.

Parang mga influencer din na lahat na lang sinasabi nilang influencer sila. Kaloka, ano bang nangyayari sa social media.

Parang naaabuso na ata.

Hindi bongga.

Sir Miguel, iba ang dedikasyon sa trabaho!

Kasalanan para sa akin na malimutan ang birthday ni PhilStar Big Boss Miguel G. Belmonte.

Isa si Boss Miguel sa mga taong sobra ang respeto at pagmamahal ko.

Nakita ko at nasaksihan ang fairness niya sa isang problema na dumating sa buhay ng kanyang empleyado.

Mula nun kabilang na siya sa mga taong nasa listahan ng mga irerespeto at mamahalin ko. Dahil bihira sa mga tao na nasa level niya ang maging ganun ang pananaw sa problema ng mga empleyado niya.

Talagang isa siyang perfect Big Boss sa mga taga PhiStar Media Group - Philippine Star, Pilipino Star NGAYON, Pang Masa at Business World.

Nakakatuwa rin ang dedication niya sa trabaho, kaya naman lahat ng empleyado ay nagiging idol siya pagdating sa pagharap sa kanilang ginagawa.

Basta kahit ano pang sabihin, never ever kong iisipin magtrabaho sa iba dahil contented and very happy ako under Big Boss Miguel kahit na nga parang minsan ay tamad na talaga akong magsulat.

I love him, and most of all I totally respect him not only as a boss but as a person. Happiest birthday my dear Big Boss Miguel Belmonte.

(Happy birthday, Sir Miguel. Salamat po. - Salve)

Show comments