BABAE na pala ang madalas kasama ng isang male personality na paminsan-minsan ay nakikita sa TV.
Eh nung sumikat at naging bukambibig ng tao dahil sa kasamang babae, inakala ng publiko na karelasyon niya ang babaeng araw-araw eh kasama.
Pero hindi. Lalaki ang gusto ni male personality noon at meron siyang middleman kapag may natitipuhang lalaki. Sa totoo lang, kapag sa gatherings, iba-ibang guwaping na lalaki ang kasama, huh!
Eh nagbago ang pananaw sa buhay ni male personality. Gusto na niyang babae ang makasama. Kaya naman ‘yung middleman niya na lalaki, umiiyak dahil wala na siyang kita sa pagbibigay niya ng booking sa male personality na tahimik na ang buhay dahil babae na ang gusto niya!
Jillian at Michael, wala nang atrasan ang tambalan
CONFIRMED nang magtatambal sa isang series sina Jillian Ward at Michael Sager sa isang rom-com sa GMA.
Naibalita namin na magsasama na sina Jillian at Michael bilang full-pledged partner sa series na gagawin. Nagkasama sila sa Abot Kamay na Pangarap pero hindi ang partnership nila ang focus.
This time, magkakaroon na ng sweet moments sina Jillian at Michael.