Aktor na halos perpekto, mabaho ang paa

Hindi talaga binibigay ng Diyos ang lahat.

Tulad na lang sa kaso ng aktor na ito na halos lahat ay nasa kanya: maraming pera, magarang bahay, mamahaling kotse at bonggang showbiz career. Pero pinagkait kay aktor ang mababangong paa!

Nabuking ng friends ni aktor ang matinding alipunga nito nang minsang maglaro sila ng basketball. Nang hubarin daw ni aktor ang mga sapatos nito sa loob ng locker room, biglang umalingasaw ang nakakahilong amoy.

“Grabe, amoy patay na daga!” sey ng isang barkada ni aktor na inakala na may patay na daga sa locker room.

Nung ma-trace nila ‘yung amoy na nanggagaling sa sapatos ng aktor, isa-isa na silang um-exit sa locker room dahil sa nakakasulasok na amoy ng mga paa nito.

Hindi naman daw naaamoy ni aktor ang baho ng sarili niyang paa.

“Ang dami niyang pera, ‘di ba? Ipagamot niya mga paa niya. Turn off!” sabi naman ng isa pang friend ni aktor.

Hindi raw nila niyaya ulit ang aktor na maglaro ng basketball, kaya clueless sila kung naayos na ang masangsang na amoy ng kanyang mga paa.

Kampeon sa tanghalan, nag-uwi ng kalahating milyon

Si Tala Gatchalian ang nagkamit ng titulong Tanghalan ng Kampeon season 2 grand champion.

Ginanap noong Nov. 21 sa TiktoClock ang grand finals. Nakapag-uwi si Tala ng P500,000 cash prize, grand champion trophy, at home appliance package.

Ang mga hurado na sina Hannah Precillas, Renz Verano, at Daryl Ong ay nagkasundo na si Tala ang karapat-dapat na tawaging grand champion.

Millenial hearthrob, sumayaw nang hubad

First time na mag-strip ng millennial Hollywood hearthrob na si Chad Michael Murray sa Netflix holiday film na The Merry Gentlemen.

Ayon sa 43-year old star ng One Tree Hill, inaral daw niyang sumayaw ng sexy mula sa pelikulang Magic Mike ni Channing Tatum.

“I’d never danced professionally or trained by any means. I have danced at a wedding or two and we dance on occasion and we goof around at the house, but nothing to this level.”

‘Di rin daw madali kay Murray na mag-workout sa edad niya ngayon.

“As we get older, it’s not as easy as it used to be when we were in our 20s, so it was a lot of work, dedication and focus. If I was going to do this, I wanted to be all in. I love a good challenge.”

Ilan sa mga nagawang pelikula ni Murray noong early 2000 ay A Cinderella Story, Freaky Friday, at House of Wax. Lumabas din siya sa mga series na Gilmore Girls at Dawson’s Creek.

Show comments