Hindi rin naipanalo ng ingay sa social media si Chelsea Manalo sa Miss Universe.
Yup, natalo si Ms. Manalo.
Hanggang Top 30 lang siya nakasama.
Pero tinanghal naman siyang Miss Universe - Asia.
Napili diumano si Chelsea bilang continental queen para sa Asya. Kasama niya si Matilda Wirtavuori ng Finland bilang continental queen para sa Europe at Middle East, Tatiana Calmell ng Peru bilang continental queen para sa Americas, at Chidimma Adetshina ng Nigeria bilang continental queen para sa Africa at Oceania.
Anyway, tinalo ni Victoria Kjær Theilvig ng Denmark ang 125 iba pang umaasang kandidata para masungkit ang inaasam na Miss Universe 2024 crown sa pagtatapos ng coronation night na ginanap sa Arena CDMX sa Mexico City noong Nobyembre 16.
At ito ang kauna-unahang Miss Universe na panalo ng Denmark.
Siya ay kinoronahan ng kauna-unahang Filipino-made crown ng international jewelry brand na Jewelmer na nagtatampok ng sariling South Sea Pearls ng Pilipinas na kinoronahan ng outgoing Miss Universe na si Sheynnis Palacios ng Nicaragua.
Kabilang naman sa runner up ang mga sumusunod: 1st runner-up: Nigeria - Chidimma Adetshina
2nd runner-up: Mexico - Maria Fernanda Beltran
3rd runner-up: Thailand - Opal Suchata Chuangsri
4th runner-up: Venezuela - Ileana Marquez
Nagbalik bilang commentator si Miss Universe 2018 Catriona Gray, habang binalikan ng aktor na si Mario Lopez ang kanyang tungkulin bilang pageant host. Si Miss Universe 2022 American-Filipino R’bonney Gabriel, sa kabilang banda, ay sumali sa Voice for Change project judging panel.
Kabilang naman sa mga kalahok na may dugong Pinay sina Victoria Velasquez Vincent ng New Zealand, Christina Dela Cruz Chalk ng Great Britain, at Shereen Ahmed ng Bahrain.
Wala pang sinasabi si Chelsea kung papasukin niya ba ang showbiz.
Anyway, practically, Pinoy na halos ang major sponsors ng Miss Universe.
Pinoy ang nag-sponsor ang crown, skincare and shoes.
Plus andun si Catriona Gray and R’bonney Gabriel, at isa sa mga hurado ay ang Pinoy designer na si Michael Cinco na nag-trending dahil naka-shades habang nagja-judge.
Kahit sikat ang mga kadikit...kilalang personalidad, semplang sa survey
Kakalungkot ang standing ng isang kilalang personalidad na kumakandidato sa isang mataas na posisyon sa 2025 midterm elections sa isang survey.
Semplang siya sa survey. As in ang layo niya sa Top 12.
Samantalang, nakakabilib naman ang mga pinaglalaban niya at kilala siya maging ang kanyang pamilya.
Maliit na percentage lang naman ng voting public ang sumagot sa nasabing survey pero mabuti na rin na maghanda si kilalang personalidad para makasiguro ng panalo sa election next year.
Ellen, hate magpa-suso
Ayaw padede ni Ellen Adarna sa baby nila ni Derek Ramsay na hindi pa nila pinapangalanan sa social media.
Sa kanyang Instagram Story ay kalakip ang larawan niya na may nakakabit na breast pump sa kanyang dalawang boobs.
Sa caption ay sinabi niyang hate na hate niya na magpa-breastfeed at mag-pump ng gatas.
“The thing i dont like the most. Breastfeeding / pumping,” sabi niya.
“If you enjoy it, good for you lol. K tnx bye,” dagdag niya pang sabi sa netizens.
Pero in fairness kay Ellen, ginagawa naman niyang magpa-dede para sa kanilang first baby ni Derek.
Maaalalang pinatanggal ni Ellen ang breast implants niya last 2022.
Nagkaroon daw kasi siya ng back pain at fatigue.
Yup, nakaranas daw siya ng “breast implant illness” sabi niya nang ipakita ang silicone na tinanggal sa kanyang boobs sa kanyang IG story.
Kambal nina Mar at Korina, magiging abala sa kampanya
Fresh na fresh ang naging tawanan, chikahan, at mga istorya ng icon at legend ng bansa sa last episode ng Korina Interviews ni Korina Sanchez na napanood every Sunday sa NET25.
Kahapon nga ay naging guest niya ang National Artist For Literature na si Ricky Lee.
Higit sa 150 na istorya na ang kanyang naisulat at kung isasapelikula ang buhay ni Ricky Lee, tiyak blockbuster ito sa takilya dahil sa mga pinagdaanan niya.
Sa rami ng pagbagsak at mga dagok niya sa buhay, namayagpag pa rin si Ricky Lee bilang manunulat hanggang hirangin siya as National Artist!
Samantala, sayang at hindi diumano tinanggap ni Ate Koring ang alok na kumandidatong senador. May mga alok nga diumano sa misis ni dating senador at Interior and Local Government secretary Mar Roxas pero hindi nga raw nito pinatulan.
Ang kakandidato ay ang eldest son ni Mar na si Paolo na tumatakbong kongresista sa unang distrito ng lalawigan ng Capiz na pati raw ang kambal nina Mar at Korina na sina Pepe and Pilar ay ikinakampanya ito.