Melai sa dasal inaasa ang career, Ellen gustong paaminin

Melai Cantiveros

Power of prayers ang sikreto ni Melai Cantiveros sa kanyang tuluy-tuloy na career blessings.

Katwiran niya : “Wala naman akong kamag-anak sa mga Lopezes para talagang bigyan nila ako ng kuwan... Wala rin akong mga kamag-anak na mga artista. Pero dahil din siguro sa... through prayer, nagpi-pray ako, Lord, Ikaw na bahala. Talagang, alam mo tina-touch ni Lord ang mga heart ng mga boss ko. Sa meeting, siguro nila, ilagay ninyo si Melai, bigyan lang ‘yan ng P1,500 (joke niya). ‘Yung parang... alam mo, ‘yung talagang naiisip nila, kagaya na Sir... naisip nila, ilagay dyan si Melai. So, for me, talagang kung ‘yan man ang tawag ng staying power man is the power of a prayer. Please all stand. Parang hindi siya maniwala, ‘yung kandila,” seryosong sagot niya na natapos sa pagpapatawa kahapon sa ginanap na media conference para second season ng kanyang talk show na Kuan On One.

Patuloy ngang nagdadala ng tawanan at saya sa mga manonood sa buong mundo habang nakikipag-usap siya sa mga kapwa Bisaya celebrities sa unang mainstream Bisaya talk show ng ABS-CBN, na ipinapalabas tuwing Martes sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, na may bagong mga episode na nag-stream nang 24 na oras nang maaga nang libre sa iWantTFC. At ngayon, may Season 2 na ito.

Kaya’t over the moon ang pakiramdam ni Melai.

In all fairness, patok ito sa mga manonood sa Bisaya at non-Bisaya viewers:

Kahit noong panahon ng kanyang Pinoy Big Brother, kilala si Melai sa kanyang husay at all-around sense of humor. At sa kanyang decade-long showbiz career, patuloy siyang kumukuha ng mga manonood sa kanyang mga biro at natural na nakakatawang reaksyon sa mukha na naging dahilan upang maging in demand comedianne at talk show host sa kasalukuyan.

May libreng tutorial din ang kanyang programa sa wikang Bisaya : Dahil mas nauunawaan pa ng mga audience ang wika dahil sa mga relatable na pag-uusap nila ng kanyang mga celebrity na bisita na may subtitles.

Jokes and comedy aside, Melai elicits priceless life lessons from her guests by making them share their struggles and achievements. Many other topics are also covered in every episode – love, heartbreak, career, family, and their unique stories of how they navigated Metro Manila for the first time as a Bisaya tulad nina Kim Chiu at BINI Aiah Arceta.

Pero sa kabila ng mga papuri sa kanya, takot si Melai na chikahin si Annabelle Rama.

Ito ang inamin ng komedyana kahapon.

Kasama naman sa dream guest niya sina Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Bukod kay tita Annabelle, gusto rin niyang makausap si Ellen Adarna. “Kasi syempre, alam mo ‘yung mga wisdom kasi ni Ellen, talagang hindi mo rin talaga matatawaran noon. Saka reality check lang talaga siya lagi. Real talk. Real talk. Real talk lang talaga siya. At nakakatuwa, na-amaze nga ako dun sa sinabi niya na, bakit hindi namin alam na buntis ka. Syempre, alangan naman ipaalam niya na buntis pa siya, ‘di ba? So, alam mo ‘yung, talagang very true to herself siya. Gusto ko malaman niya kung ano ‘yung pinagkaka-busy-han niya. At ngayon na meron na siyang family. Na talaga namang love na love siya.”

Heart, bampira sa Singapore

Wow super chika si Heart Evangelista kina David Beckham and Win Metawin sa isang special event ng Marina Bay Sands sa Singapore.

At very fresh si Heart samantalang ayon sa kanyang post, 24 hours lang sila sa Singapore

“24 hours in Singapore live, eat, shop. ABOVE and BEYOND,” aniya sa kanyang post.

At siya lang ang Pinay celebrity sa nasabing event sa nasabing luxury hotel sa Singapore.

Dumiretso naman si Heart sa Phuket, Thailand.

So 24 hours din kaya sila ng kanyang glam team sa Thailand?

Para naman ‘yun sa event ng super luxury brand na Cartier.

Dahil nasa Phuket, nag-two piece ang misis ni Senate President Chiz Escudero.

Chelsea, inaabangan ang kapalaran sa Miss U!

Masasaksihan ang pinakamagandang araw sa daigdig dahil nakatakdang ipalabas ang 73rd  Miss Universe ng ABS-CBN sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC, sa Nobyembre 17 (Linggo) simula 9 am.

Kaya’t maaaring sabay-sabay nating suportahan ang pambato ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo, ang kauna-unahang Pinay representative na may Afro-American descent.

Sundan ang kanyang journey sa pakikipaglaban sa iba’t ibang mga reyna para sa prestihiyosong titulo ng Miss Universe.

Ngayong taon, naglabas na rin ang Miss Universe Organization ng bagong format ng kompetisyon. Mula sa 130 na kandidata, 30 lang ang aabante sa pageant at 12 lang ang magpapaligsahan sa evening gown portion. Mula sa 12 tanging limang binibini ang matitira at magpapakitang-gilas sa question and answer round.

Para matulungang makapasok si Chelsea sa Top 30, maaaring i-download ang Miss Universe app sa mobile devices at pindutin ang “Philippines.”

Masungkit kaya ni Chelsea ang korona bilang Miss Universe? Abangan sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC.

Mapapanood din ang same-day replay simula 8:30 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel at iWantTFC. Magpapalabas ng iba pang mga replay ang Metro Channel sa Nobyembre 18, 7:30 p.m., at 23, 8:30 a.m.

Tho hindi gaanong maingay si Chelsea. Parang tahimik siya.

Sinasabi nilang hindi mukhang Pinay si Chelsea, pero ganun pa man, suportahan natin.

Show comments