Euwenn, kuha ang kiliti
MANILA, Philippines — Malakas ang pagsisimula ng newest GMA Afternoon Prime series na Forever Young!
Bukod sa consistent high ratings mula pilot episode noong Lunes (October 21), mabenta rin sa viewers ang cuteness overload na hatid ni Rambo Agapito played by award-winning child star Euwenn Mikaell.
Simula pa lang ng serye pero mixed emotions na agad ang hatid nito sa mga Kapuso! May mga naiyak, natawa, at na-suspense sa ilang eksena.
Dahil sa isang pambihirang kondisyon, nananatiling mukhang bata si Rambo kahit siya ay 25 years old na.
Paano haharapin ni Rambo ang kanyang mga responsibilidad at paano niya aabutin ang kanyang mga pangarap kung siya ay Forever Young?
- Latest