Daniel, sumabak sa tulong operation

Daniel

Kabilang na rin si Karla Estrada sa kumilos para makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine. Inilunsad nito ang Daniel Padilla “Hatid Tulong Operation,” at sabi, “Tulung tulong para sa mga nangangailangan ngayon na mga kababayan natin na nasalanta ng bagyo.”

Nakasulat sa Instagram ni Karla kung ano ang mga kailangan ng mga kababayan nating nasalanta ng bagyo. Nakalagay rin kung saan puwedeng magpadala ng cash donation. May address din kung saan puwedeng dalhin ang non-monetary donations at tatanggapin din ang mga ito.

Pop mart, pinalakas ni Marian sa mga Pinoy

May kinalaman siguro sa pagbubukas ng Pop Mart Philippines ang Facebook post ni Marian Rivera na “OMG!” at sa ibaba ng comment niya, nakasulat ang “Dear Marian, POP MART MABUHAY Philippines.” Marami ang nag-congratulate kay Marian dahil sa post na ito at may nag-akalang kinukuha siyang endorser ng Pop Mart dahil collector siya ng Labubu dolls.

Sa Nov. 2, ang opening ng Pop Mart Philippines na pero parang may nabasa kaming sa SM Mall of Asia ang store.

Ini-expect din namin na pupunta sa opening nito ang marami pang nagko-collect ng Pop Mart dolls at Labubu sa pangunguna ni Jed Madela.

Speaking of Marian, tuloy ang pasasalamat nito sa mga nanood ng Balota kabilang sa kanila sina Jennica Garcia, Alexa Ilacad na aminadong fan ni Ma­rian. Kasama nito si KD Estrada na nanood at gaya sa ibang nakapanood na, nagustuhan nila ang movie at nahusayan sa acting ni Marian.

Dahil sa ipinakitang husay sa Balota, looking forward na ang fans niya sa next movie niya na sana raw, advocacy film pa rin. ‘Yung malakas ang impact sa tao na magpapalakpakan at mapapamura ang mo­viegoers after the movie.

Dahil pala sa public demand, sa second week ng showing ng Balota, nadagdagan ng 17 cinemas ang number ng sinehan kung saan ito palabas.

Ronnie, nasa P.A na

Kasama na sa cast ng Pulang Araw si Ronnie Liang at nag-taping na siya sa hindi pa sinasabi kung ano ang role na kanyang ginagampanan. Nag-post si Ronnie ng photo na nasa taping sila at kasama niya sina Max Collins at Alden Richards.

Nakasuot siya ng military uniform at malamang, sundalo ang role niya.

Matipid ang caption ni Ronnie sa kanyang post dahil “Abangan!” lang ang nakasulat at nangako ang fans na panonoorin siya sa Pulang Araw. Ang gusto lang malaman ng fans ay kung kailan ang airing ng simula ng paglabas ng karakter niya sa series para raw masubaybayan nila.

Show comments