Katawan ni Ivana hindi naka-recover, isinugod sa hospital

Ivana Alawi

Walang ibinigay na detalye o impormasyon ang actress-vlogger na si Ivana Alawi matapos siyang mag-post na isinugod siya sa hospital nung isang araw.

“Had to be rushed back to the hospital since my body didn’t recover well [sad emoj],” aniya sa caption kalakip ng picture niya sa hospital bed at may dextrose.

Kagaga­ling lang sa grand vacation sa Europe ni Ivana base sa kanyang mga post sa kanyang social media platforms pero wala rin siyang binanggit kung sino ang kanyang kasama.

Show comments