Fans ni Nora pinag-iinitan ang MMFF movie ni Vilma!

Nora Aunor

Si Augusto Antonio Aguila ay kilalang stage actor.

Bukod doon, siya ay nagtuturo ng English literature sa UST. Dahil sa karanasan sa pagtuturo at kahusayan, siya ay binigyan ng doctorate degree sa literature.

Pero si Tots ay isang self-confessed Vilmanian. “Hindi nakakahiya iyon, ang rector magnificus nga ng UST, si Rev. Fr. Richard Ang OP ay isa ring Vilmanian,” sabi pa ni Tots.

Noong ka-chat namin siya noong isang araw, tuwang-tuwa si Tots dahil ang pelikula ni Ate Vi ay nakasa­ling muli sa MMFF, Uninvited

 Pero ang tanong niya sa amin, “bakit galit na galit ang mga fans ni Nora (Aunor), at sa halip na umisip sila ng paraan para maiangat ulit si Nora, ang ginagawa nila ay sinisiraan si Vilma?

“Hindi ba nila iniisip na sayang ang panahon nila na sa halip na may magawa silang mabuti para kay Nora, nauubos ang panahon nila sa paninira kay Vilma?” patanong na komento niya.

Ipinipilit nila na may humaharang daw sa mga pelikula ni Nora sa MMFF para bigyan ng pabor si Vilma, dahil mga kumare at kumpare diumano ni Vilma ang nasa screening committee.  

Maliwanag naman ang paliwanag ng mga namumunod sa MMFF, sa pamimili ng mga kalahok sa MMFF na isa sa batayan ay ang commercial viability ng pelikula. Kaya hindi rin masasabing dahil kay Vilma kaya hindi makapasok si Nora.

Kung hindi festival at hindi kumikita ang isang pelikula, walang problema dahil ang producer ay magbabayad sa sinehan ng minimum guarantee kung hindi ito umabot sa quota. At least mababawi nila ang gastos sa kuryente at pansuweldo sa mga tao nila.

Eh kung festival, waived ang minimum guarantee ng mga sinehan. Kawawa naman sila kundi kikita.

Kaya walang dahilan para magalit kung na-reject ang mga pelikulang alam nilang hindi kikita. At iyan ang hindi matanggap, kaya galit na galit ang mga fans ni Nora.

Tulad ng paulit-ulit kong sinasabi, negosyo ang mga sinehan. At kung hindi pipilahan ang isang pelikula sa MMFF, paano na sila?

Bukod dun siyempre, meron bang pelikula si Nora (finished film) na isinumite at nagagalit ang Noranians?

Hayaan na natin sila. Basta ang importante ngayon ay panoorin natin ang mga pelikulang kasali sa MMFF.

Show comments