Ang Filipino-American fashion designer na si Zaldy pala ang naging costume designer ng Victoria’s Secret Fashion Show 2024 sa New York.
Si Zaldy ang nag-design ng mga wings na nasa likod ng mga VS Angels na sina Gigi Hadid, Adriana Lima, Alessandra Ambrosio, Ashley Graham, at iba pa.
Pinagkatiwala rin kay Zaldy ang mga sinuot ng performers na sina Tyla at Lisa of Blackpink.
“I work a lot in music, I know that it›s not just the look...the look also has to perform because it›s mostly very active,” sey ni Zaldy sa custom 3D printed and chromed tabs in Swarovski crystals ni Lisa at custom hand beaded look with Swarovski crystals ni Tyla.
Naging costume designer din si Zaldy nila Michael Jackson, Britney Spears, Gwen Stefani, at RuPaul. Siya rin ang nag-design ng costumes para sa Cirque du Soleil shows.
Three-time Primetime Emmy Award winner (2017, 2018, 2019) si Zaldy for Outstanding Costumes for a Variety, Nonfiction, or Reality Programming para sa ‹RuPaul›s Drag Race.›
Gardo, nami-miss pa rin si Jaclyn
Inalala ni Andi Eigenmann ang yumaong ina na si Ms. Jaclyn Jose nung kaarawan nito last October 21.
Kung buhay pa si Jaclyn, she would have been 61. Pumanaw ang award-winning actress noong March 2, 2024 dahil myocardial infrartion or heart attack.
Nag-post si Andi ng throwback photo nila ni Jaclyn na may white dove emoji. Sa IG Story, nilagay ni Andi ang words na “I feel you always through family” nung bumisita siya sa puntod ng aktres.
Inalala rin ni Gardo Versoza ang kaarawan ng kanyang kaibigan. In-upload ni Gardo sa IG ang cute dance video nila ni Jaclyn habang nasa set sila ng GMA teleserye na Bolera.
“Happy birthday in heaven abe @jaclynjose miss kita,” caption ni Gardo.
Cher na-induct na sa Rock & Roll Hall of Fame
Na-induct na sa 39th Rock & Roll Hall of Fame si Cher at matagal daw itong hinintay ng music icon na may 60 years na sa music industry.
“It was easier getting divorced from two men than it was getting into the Rock & Roll Hall of Fame,” sey ni Cher sa kanyang pagtanggap ng parangal.
Inalala rin ni Cher ang kanyang inang si Georgia Holt na laging sinasabi na huwag siyang susuko.
Kasama ni Cher sa event ang kanyang 38-year old boyfriend na si Alexander “AE” Edwards at ang anak nito kay Amber Rose na si Ash (5). Karelasyon ng 78-year old diva si AE since 2022.
Nag-perform ng mga hit songs ni Cher sina Zendaya at Dua Lipa.