Drama actress, may memo na sa katakawan

Pinagsabihan na pala ang drama actress na ito na magpapayat para ma-consider siya na magbida sa bagong teleserye.

Kailangan nga raw siyang patahian ng wardrobe dahil kailangang itago ang bilugang katawan niya. Ilang beses kasing nagkaroon ng wardrobe malfunction si drama actress sa huling teleserye nito dahil sa paglaki ng katawan nito.

Sa isang taping ay biglang nasira ang zipper ng suot niyang damit. Na-delay ang taping dahil inayos pa yung damit. May continuity raw yung eksena kaya di siya puwedeng magsuot ng ibang damit.

Nagtaka naman ang wardrobe mistress dahil tama naman daw ang sukat sa drama actress at nag-fitting pa raw sila.

Panay raw kasi ang kain ng drama actress. Walang pinapalampas na imbitasyon na may kainan. Kaya di na magkasya ang mga damit sa kanya.

“Akala yata niya ay madadaan niya sa girdle or sa body shaper yung biglang paglaki ng katawan niya. Kung di niya maalagaan ang sarili niya, mga Ate at best friend roles na lang ibigay sa kanya,” sey ng source.

glaIza, rayver, rhian, at iba pa, abala sa musical film

Magsasama sa isang musical film ang mga Sparkle stars na sina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Matt Lozano, at Rhian Ramos. May titulo ito na Sinagtala at si Sigrid Bernardo ang direktor.

At sa pinost na reel, makikita ang rehearsal ng buong cast.

May kanya-kanya rin silang pinapatugtog na musical instruments. Si Rhian ay nagda-drums, sina Glaiza at Matt ay nasa guitars at si Rayver ang lead vocalist.

Kasama rin sa cast si Arci Muñoz na mahusay maggitara. Lead vocalist si Arci ng kanyang sariling rock band na Philia.

Kuwento ng isang pamosong college band na biglang nag-reunite ang Sinagtala.

Anak ng komedyana, patung-patong ang kaso dahil sa droga

Malungkot ang comedian at talkshow host na si Rosie O’Donnell dahil sa pagkakaaresto ng kanyang 27-year old adopted daughter na si Chelsea Belle O’Donnell.

Inaresto sa Wisconsin si Chelsea at sinampahan ng maraming kaso. Post ni Rosie on IG: “Sadly this is not new for our family - chelsea has struggled with drug addiction for a decade - we r all hopeful she will find her way out of this deadly disease ##love#alanon 10.19.24.”

Sa Oconto County Jail naka-detain si Chelsea last October 11. Ang mga kaso niya ay neglecting a child, possession of methamphetamine, maintaining a drug-trafficking place, possession of THC, drug paraphernalia and illegally obtained prescription drugs, disorderly conduct, possession of meth, possession of narcotic drugs, jumping bail, resisting/obstructing an officer, and possession of drug paraphernalia.

Haharap si Chelsea sa korte on November 4.

Show comments