Mapapanood na ang Balota, na unang ipinalabas sa Cinemalaya 2024 at kalahok ngayon sa 44th Hawaii International Film Festival.
Pinagbibidahan ng premyadong aktres na si Marian Rivera, ang Balota ay rated R-13 (Restricted-13) mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Ibig sabihin, mga edad 13 at pataas lamang ang puwedeng manood nito.
R-16 (Restricted-16) naman ang ibinigay sa lokal na pelikulang Guilty Pleasure, starring Lovi Poe na siya ring co-producer.
Sa R-16, mga edad 16 at pataas lamang ang puwedeng manood.
Ang The Apprentice, sa pangunguna ni dating US president Donald Trump bilang isang negosyante, ay nabigyan din ng R-16 tulad ng action-horror film na Azrael.
Nabigyan naman ng R-18 ang Smile 2, na edad 18 at pataas lamang ang maaaring manood.
Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) ang Filipino-Japanese film, Crosspoint, na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Takehiro Hira.
Rated-PG din ang mga dokyu-pelikulang Super/Man: The Christopher Reeve Story at Taeyong: TY Track.
Nagpaalala si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na gabayan lagi ng mga magulang ang mga batang manonood.
Andami palang palabas this week.
Kumusta kaya ang resulta sa takilya?