Anne, sinagot kung ba’t hindi na sinisipot ang Showtime!

Anne Curtis

Nagpaliwanag si Anne Curtis kung bakit wala siya sa It’s Showtime lately. Sunud-sunod kasi ang mga tanong ng netizens sa kanya sa X kung nasaan siya.

Sumagot naman si Anne at sinabing nasa Bacolod siya at nagti-taping ng upcoming drama series niya sa Kapamilya, ang Pinoy adaptation ng hit Korean drama na It’s Okay To Not Be Okay.

“Bacolod na ako mhie! Shooting na ng It’s okay to not be okay! Uwi me Next week! Kaya natin to Jugs and Teddy!” paliwanag ng aktres.

Kasama rin ni Anne sa nasabing serye sina Joshua Garcia at Carlo Aquino.

Kim, nag-flex ng adventure nila ni Paulo!

Flinex ni Kim Chiu sa kanyang social media account ang kanyang bagong pink bike at ipinakita niya rin ang kanyang pagba-bike with guess who? No other than Paulo Avelino.

Makikita nga sa video na magkatabing nagba-bike ang KimPau gamit ang kani-kanilang bisikleta.

“#GRWM 50kms ride!

“First ride out with my pink bike!!! Finally after so long of wanting a pink bike, here it is!!!! Yahooooo!!!!! Out with the old, In with the new!!! ” simula ng caption ni Kimmy.

Kasunod nito ay pinasalamatan ng aktres ang kanyang mga coach at isa na rito si Paulo.

“Thanks coach @siraoulo best of luck sa race this weekend and coach @anton7reales for the great ride out, cge na nga thanks also coach @pauavelino,” aniya.

“Till the next ride!!!! Where to next??? #KIMadvenCHIUre,” pagtatapos pa ni Chinita Princess.

Siyempre, kilig na kilig naman ang KimPau fans at looking forward daw sila sa mas marami pang adventures together ng kanilang idolo.

Nadine, nag-trending ang short hair!

Trending ngayon sa online world ang new look ni Nadine Lustre. She’s now sporting a short hairstyle at ngayon nga lang namin siya nakita sa ganito kaikling buhok.

Ipinost ng hair stylist na si Paul Nebres ang photos ni Nadine with hew newly-cut hair and in fairness, bagay na bagay naman sa aktres.

Makikita rin sa video na ipinost ni Paul ang aktwal na paggupit niya ng buhok ni Nadine.

Ang bagong hairstyle ni Nadine ay ipakita niya sa RAJOMAN, ang first all-menswear fashion show ni Rajo Laurel last Oct. 10.

Pinagkaguluhan nga agad sa online ang bagong photos ni Nadine gayundin ang video ng pagrampa niya sa fashion show at lahat ay nagsabing bagay pala sa aktres ang short hair.

 

 

Show comments