MANILA, Philippines — Na-tense pala si Alexa Ilacad kay Kim ji-soo kung saan magkatambal sila sa pelikulang Mujigae.
Actually, dumating pa raw sa point na na-intimidate siya.
“At first, I was a bit nervous and not going to lie, medyo naintimidate talaga ako kay Ji Soo kasi ang tangkad (6’2).”
Eh 5’2 lang pala siya.
“Hindi ko siya matingnan nang diretso, nakatingala ako,” chika ni Alexa sa ginanap na media conference ng pelikula last week.
Pero aniya, mabilis naman siyang naka-recover.
“I’m really, really excited, because I know how professional Korean stars are. And I never really worked with anyone na Korean star, so the first time I worked with Ji Soo, it was for the... So parang in a way sinabak na agad kami sa trial scene without really the formal introduction, so I was a bit intimidated, but I saw naman with my eyes, na open naman siya.
“Inabangan ko na po ‘yung mukha ko, kinausap ko, nakipag-eksena ako sa kanya, and nagbibigay talaga siya kahit feeling ko hindi niya ako naiintindihan minsan,” dagdag pa ng Kapamilya actress.
“So with the emotion, he can understand me right away. Tapos ayun day by day natutuwa po ako sa kanya kasi nakita ko na nag-o-open up siya sa aming lahat like sa una seryoso siya pero nung pang ilang shoot na namin nakikipagbiruan na siya, nagjo-joke na siya, tapos nagpapaturo po siya mag-Tagalog,” mahaba-habang niyang kuwento.
“So dun natutuwa ako, kami ni ate Cai (Cortez) kasi madalas kong kaeksena. Natutuwa ako sa kanya nagpapaturo siya mag-Tagalog. Tapos nagkukwento siya about his life in Korea, tungkol sa dogs niya, tapos mahilig din siya sa mga stray animals. So, sabi ko, ay magiging friends tayo,” dagdag pa ng actress na naka-Olivia Rodrigo outfit nang manood ng GUTS concert ng idolo sa Philippine Arena last weekend. “a spicy pisces who spilled her GUTS in Manilaaaaaaa!! What an experience! Mabuhay ka, Olivia! #GUTSWorldTourManila #GUTSInManila.”
Naka-red dress siya at kumpleto pati ang accessories.
Ipalalabas na ang Mujigae umpisa ngayong araw mula sa direksyon ni Randolph Longjas, exclusively sa SM Cinemas.
Mahigit 21,000 materyal, narebyu ng MTRCB nitong Setyembre
Bilang mandato ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng mga pelikula, palabas sa telebisyon at media items, ibinalita ng Ahensya na nakapagrebyu ito ng 21,244 materyal nitong Setyembre.
Kabilang diyan ang 21,003 Television programs, plugs at trailers. Nakapagrebyu rin ng 57 pelikula, 56 movie trailers, 127 publicity materials at isang optical media ang 31 Board members.
Para malaman ang mga pinakahuling ratings at klasipikasyon ng bawat pelikula, hinikayat ng Board ang publiko na sundan lamang ang opisyal na social media page ng MTRCB, o bisitahin ang website: mtrcb.gov.ph
Patuloy namang nagsisikap ang MTRCB na maging kaagapay ng pamilyang Pilipino tungo sa responsableng panonood sa Bagong Pilipinas.