Heart, kasama sa top 10 influencers sa Paris!

Heart Evangelista

Nakakatuwang isipin na kabilang ang isang Pinay, si Heart Evangelista sa top 10 influencers sa ginanap na Paris Fashion Week.

Natutuwa kami dahil noong araw, isang panaginip lang para sa mga Pinoy ang makarating sa Paris.

Marami tayong magagaling at magagandang modelo noon pa, pero hindi tayo kilala. Sa natatandaan namin, ang mga modelong Pilipino noon, nakakasama lamang sa mga fashion show sa abroad kung Pilipino rin ang organizer. Tulad halimbawa para sa show ni Pitoy Moreno, natural dadalhin niya ang mga modelo niya. May iba namang mga modelong nakakasingit din, pero paminsan-minsan lang iyon. Ngayon lang nangyari na may isang Pinay na talagang sumikat sa Paris na fashion capital ng buong mundo.

Ngayon nga ay itinuturing pa siyang isa sa 10 influencer at lumalabas pang siya ang isa sa may naitalang napakataas na earned media value. Ibig sabihin, kinikilala rin nila ang interest sa kanya ng media at ng publiko rin.

Para sa isang modelo o ­influencer, napakahalaga ng media value dahil iyon ang batayan ng pagiging relevant sa ginagawa mo. Kaya nga masasabing talagang si Heart single handedly ang kumilos kaya siya nakagawa ng pangalan para sa kanyang sarili at ganundin para sa Pilipinas.

Dahil sa accomplishment ni Heart sa Paris, ngayon parang nabuksan na para sa marami pang Pinoy ang fashion capital ng mundo.

Kaya walang pwedeng magsabi na hindi nauna si Heart bilang influencer.

Alden at Kathryn, nagliligawan ba?

Kung kailan papalapit na at saka mukhang tumatamlay ang usapan tungkol sa pelikula nina Kathryn Berardo at Alden Richards na sequel nang nauna nilang pelikula.

Mataas ang expectation diyan ng kanilang mga producers - pinagtutulunagn iyan ng GMA at ABS-CBN. Mataas din ang expectation diyan ni Alden dahil sa nauna nilang pagtatambal ni Kathryn na naging box office recod holder.

Pero mukhang iba na nga ang sitwasyon noon at ngayon.

Simula noong matapos ang pandemic, lalo nga yatang sumama ang turn over ng pelikulang Pilipino. Mapapansin din naman na kumita ang mga pelikula ni Kathryn na naunang inilabas pero hindi kasing tindi nang dati.

Aminin din naman natin na naapektuhan siya ng pagkawala ng KathNiel. Hindi naman kasi niya nakuhang lahat ang Kath­niel fans dahil may natirang loyal pa rin kay Daniel Padilla.

Sa parte naman ni Alden, hindi rin maikakailang mas mababa ngayon ang kanyang popularidad kaysa noong una silang magtambal.

Saka siguro nga may excitement nga kasi hinintay ng mga fans kung anong epekto noon sa relasyon nina Kathryn at Daniel.

Bukod pa sa mas malalala na ngayon ang social media.

Goodluck sa kanila.

Sana ay kumita nga ang kanilang pelikula na ang ginagamit sa promo ay seryoso diumano sa panliligaw si Alden kay Kathryn.

At ang sabi seryoso raw ang actor kay Kathryn.

Palagay n’yo?

Ako ay hindi mapalagay.

Show comments