Umuwing maligaya ang fans ni Olivia Rodrigo pagkatapos ng Manila Silver Star Show (GUTS World Tour) sa Philippine Arena noong Sabado ng gabi.
Lalo na si Zia Dantes na apaw ang kaligayahan nang kawayan siya ng international singer.
Kitang-kita nga sa ipinost na video ni Marian Rivera ang pure joy nung gabing ‘yun ni Zia. “Kung saan ka masaya, Anak, nandito lang kami para suportahan ka! We love you! @oliviarodrigo Salamat pinasaya mo si Ate Zia,” buong caption ni Marian sa nasabing video.
“Mommy, she said hi to me,” maririnig na sabi ni Zia sa video.
Napuri naman si Marian dahil parang nasa Lowerbox area sila at wala sa VIP.
Naging kontrobersyal nga ang ticket ni Andrea Brillantes dahil nasa VIP raw ito at center area pa.
Tho nag-post siya ng kanyang pagpila sa Philippine Arena para sa concert ng songwriter-singer na may dugong Pinoy noong Sabado ng gabi.
Hanggang kahapon ay kasama siya sa nagti-trending na #GUTSinManila.
Kung inimbyerna si Andrea, pinuri naman si Moira dahil nasa Lower Box ito at tuwang-tuwa ang mga nakatabi niya.
Kabilang sa mga pinasikat na kanta ng Grammy Award winner ang Drivers License, Traitor, and Deja Vu. Pinoy ang kanyang ama habang German-Irish ang ina.
Kasama naman niyang dumating sa bansa ang boyfriend na English actor Louis Partridge.
“I wanna say proud Pinoy ako,” sabi pa ni Olivia kaya talagang tagos ang kilig ng fans na 55,000 daw ang total number of audience nung gabing ‘yun sa Philippine Arena.
Museo ng pelikula, bubuksan sa Quezon City
Maraming nakapilang proyekto si Quezon City Mayor Joy Belmonte para palawakin pa ang pagiging City of Stars ng kanyang nasasakupan.
Kabilang dito ang pagiging Creative City of Films.
“Yes, talaga namang hindi ‘yan mawawala because we are proud to be called the City of Stars. And in fact, marami kaming plano para palaganapin pa ‘yung reputasyon namin na ‘yun,” umpisa ni Mayor Joy nang makausap namin siya kamakailan lang.
Dagdag niya pa: “Alam naman natin na may mga plano tayo to become the Creative City of Films, sana. We are also collaborating with Mowelfund to achieve this goal. Actually, meron nang building, ‘yung tinatawag na Museo Ng Pelikulang Pilipino. So that is another one of our plans.
“So, ‘yung QCinema tuloy pa rin sa November at pinalaki pa. QCinema tuloy ‘yan sa November for our...12-year na yata. And we continue to support the industry. Kaya natuwa naman ako. At ‘yung industry naman is very supportive din sa atin dito,” dagdag na kuwento ni Mayora.
Itatayo ang pinaghahandaang Museo ng Pelikulang Pilipino sa Quezon Memorial Circle.
Sa kasalukuyan ay nasa Mowelfund ang mga kopya ng maraming Tagalog films.
Maliit na ang lugar ng Mowelfund building sa kasalukuyan kaya’t ‘yung mga memorabilia nilang iba ay hindi na nailagay dito sa bagong office.
“Yeah, ‘yun nga ‘yung naging problema nila. Kaya nga, sabi ko, okay kami naman happy kami to host this museum. It will be an honor for us to host this museum in Quezon City.
“So this is under the partnership with the Mowelfund. So kausap namin si Tita Boots (Anson Roa). And nagulat nga si Tita Boots kasi maliit lang na lugar ang hinihingi niya pero ‘yung malaking Museo na ‘yung binigay ko sa kanya because sabi ko kailangan i-own natin ‘yung moniker na City of Stars.
“And we really have to make it also the destination for everyone who is interested to support the movie industry. Na kung gusto nila anything to do with movies, dapat sa Quezon City kumpletos-rekados na tayo.
“So one of the latest that we are doing as well is we’re passing an ordinance sa tulong at suporta ng Sangguniang Panlungsod. One-stop shop para sa lahat ng gustong gumawa ng pelikula. Hindi na sila mahihirapan, hindi na iba-iba ‘yung kausap, hindi na rin sila iba-iba ‘yung binabayaran. May resibo talaga at may mag-aalalay maghanap ng mga site at alalayan talaga ‘yung mga movie makers natin sa paggawa ng pelikula dito sa Quezon City.”
Lalo na ‘yung mga foreign production?
“Yes, lalo na International na nahihirapan ‘di ba kasi ang daming kausap. Dito, balak ko, one-stop shop for movie makers and producers dito sa Quezon City.”
Ang galing ni Mayor Joy. Tiyak na magiging malaking tulong ito sa mga producer natin na ang karamihan ay nagtitipid ng production cost.
MTRCB, masipag magrebyu
Wow, aabot sa 200,000 pelikula, TV shows at iba pang pampublikong materyal ang dumaan na at na-review ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) mula Enero hanggang Setyembre 2024.
Batay sa datos, 196,304 na TV programs, plugs at trailers, optical media at publicity materials, movie trailers at pelikula ang nirebyu at binigyan ng angkop na klasipikasyon ng 31 Board Members sa loob ng siyam na buwan.
Pinakamalaking bilang sa narebyu ay ang TV programs, plugs at trailers na umabot sa 194,366, 412 na pelikula at 403 trailers. Umabot naman sa 1,123 na publicity at optical media materials ang narebyu ng Board.
Ayon kay MTRCB Chair Lala Sotto-Antonio, tiniyak ng Board na ang lahat ng materyal na isinabmit sa Ahensya ay susog sa Presidential Decree (PD) No. 1986, ang batas na basehan ng bawat komite sa pagrerebyu ng mga materyal.
“Ang PD No. 1986 o ang MTRCB charter ang sandigan ng ating Board pagdating sa pagrerebyu,” sabi ni Sotto-Antonio. “Nakapaloob dito ang pagbibigay-halaga sa contemporary cultural Filipino values sa bawat rebyung isinasagawa.”
Noong 2022, nakapagrebyu ang MTRCB ng 230,280 at 255,220 noong 2023.