Mark, umaasa pa rin kay Kris?!

Mark Leviste at Kris Aquino
STAR/File

Umurong si Vice Governor Mark Leviste sa kanyang bid na maging gobernador ng Batangas na unang plano niya, matapos na mag-file ng COC si Vilma Santos Recto. Si Mark ay matagal ding nanungkulan bilang vice governor noon kay Ate Vi.

Pero nag-file rin siya ng COC bilang congressman ng 3rd district ng Batangas.

At naniniwala siyang susuportahan pa rin siya ng dating syotang si Kris Aquino, kahit na iyon ay mayroon nang syotang doktor.

Matagal din naman silang naging mag-syota lalo na noong panahong malubha talaga ang kalagayan ni Kris sa America. Pero sa hindi malamang dahilan, biglang split na sila at sinabi nga ni Kris na may syota na siyang doktor at isa iyon sa dahilan kung bakit umuwi siya sa Pilipinas.

Ricardo, pinayagan sa Quiapo

Mabuti naman at sinasabi nilang ibabalik nila ang character ni Ricardo Cepeda sa seryeng Batang Quiapo.

Kailangan din ni Ricardo ngayon ng trabaho dahil hindi pa naman tapos ang kaso niya, pinayagan lang siyang makapagpiyansa.

Ibig sabihin haharap pa rin siya sa gastos sa mga hearing ng kaso. Pero bukod sa pananalapi, ang kailangan niya ngayon ay iyong feeling na sa kabila ng nangyari sa kanya ay sinasamahan pa rin siya at nakikisimpatiya sa kanya ang mga kapwa niya artista.

At malaking bagay ang ganun.

Hindi naman siguro makakadagdag nang malaki sa gastos ng Batang Quiapo kung ibalik man nila si Ricardo.

Sikat na aktor, lantaran ang relasyon sa bagets actor!

Ngayon ay marami nang lumalabas na nangyaya­ring relasyon ng mga artistang lalaki at mga bakla sa showbiz.

Ang matunog na tsismis ay tungkol sa isang kilalang aktor at sa isang bagets na artistang lalaki, “pero hindi masasabing sexual molestation iyon, kasi with consent iyon.”

Hindi nga abuso iyon dahil alam naman daw ng lahat ng kasama nila sa taping ng serye ang nangyayari at wala raw namang reklamo ang bagets na aktor.

Sa set nga raw ay kitang-kita at halata ang kaugnayan ng dalawa sa isa’t isa, pero bilang respeto sa nakakatandang aktor, hindi nila pinag-uusapan iyon.

Pero alam daw iyon ng lahat ng mga bading sa set, na hindi nila dapat pakialaman si Bagets kung ayaw nilang makabangga ang sikat na aktor.

Papaano kaya ngayon ang singer na matagal ding naging syota ng aktor? Ano na rin kaya ang nangyari sa call center agent na sinusundo niya noon sa BGC nang alas tres ng madaling araw? Naligwak na ba sila dahil sa bagets actor?

Habang ang isa namang boys’ love actor ay kilala rin daw sa “gay for pay.”

“Ay opo kilala namin iyan dahil napapanood namin sa BL series sa internet, guwapo nga siya pero malamang sa hindi, gay din. Kasi nagkalat na ang kanyang mga video scandal at ang dami rin niyang nude pictures na may kasama pang mga bading na “customers” daw niya.

“Tambay iyan sa isang watering hole na istambayan din ng mga bading at doon ay kilalang-kilala iyan bilang isang “gay for pay.”

“Pero kung type ka rin niya, sasama iyan sa iyo kahit na TY lang. May kakilala kami na madalas niyang ka-date na ty lang eh,” sabi pa ng aming source na bading.

Ang sinasabi namin basta ba “with consent” ay ok lang. Actually mali, pero sila ang marami rito at hawak nila ang mga matataas na posisyon lalo na sa mga TV network.

Show comments