Parami na nang parami ang artistang sumasabak ngayon sa pulitika at ang ilan nga sa kanila ay nagsipag-file na ng kanilang kandidatura para sa 2025 elections.
Isa si Gerald Anderson sa parating natatanong kung may ba siyang kumandidato sa eleksyon since nakikita nga ng lahat ang mga pagtulong na ginagawa niya ating mga kababayan lalo na nga noong kasagsagan ng bagyong Carina.
Pero ayon sa aktor ay wala siyang kaplano-planong sumabak sa pulitika.
“I’m just happy to be in a position where I can also help. Nagagamit ko naman ‘yung platform ko eh,” sey ni Gerald sa latest interview ng ABS-CBN.
Aniya pa ay alam niya ang hirap na maging pulitiko at hindi raw siya papasok sa isang bagay na hindi siya handa.
“May mga kaibigan ako in politics, I know it’s very hard, napakahirap nun, and I wouldn’t jump into something na hindi ako handa or hindi ko pinag-aralan because people’s lives are at stake,” he said.
Dahil nga aktibong-aktibo ang aktor sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad bilang bahagi ng Philippine Coast Guard’s Auxiliary Search and Rescue, marami ang nagsasabi na tiyak na ang kanyang panalo kung sakaling maisipan niyang pumasok sa pulitika.
BINI, SB19 at iba pa, agawan sa Song of the Year
Bigating mga pangalan sa industriya ng musika ang magtutunggali para maiuwi ang prestihiyosong tropeyo ng 16th Star Awards for Music ng PMPC na gaganapin sa Oct. 27, 6 p.m., sa Carlos P. Romulo Auditorium RCBC Plaza, Makati City.
Pangungunahan iyan ng labanan para sa tatanghaling Song of the Year sa pagitan ng SB19 (Gento), BINI (Pantropiko), Juan Karlos (Ere), Zack Tabudlo (Gusto), Moira Dela Torre (Ikaw at Sila), Maki (Saan), at Lola Amour (Raining in Manila).
Nominado sa Male Recording Artist of the Year sina Bamboo, Billy Crawford, Christian Bautista, Erik Santos, Juan Karlos, Zack Tabudlo, at Ogie Alcasid.
Sina Regine Velasquez, Moira Dela Torre, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Morisette, Julie Anne San Jose, Katrina Velarde, at Sarah Geronimo naman ang mga nominado sa Female Recording Artist of the Year.
Bibigyan ng espesyal na mga parangal ang industry icons na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at veteran music producer, musical director, at arranger na si Homer Flores. Igagawad kay Gary ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award, habang pararangalan naman si Homer ng Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award.
Ang 16th Star Awards for Music ay inoorganisa ng mga opisyal at miyembro ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nito na si Rodel Ocampo Fernardo. Katuwang ng PMPC ang Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard. Ang awards night ay ididirehe ni Eric Quizon.
Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa November 9, Saturday, 10:15 p.m. sa A2Z.