Singer-actress, natakot humarap sa media!

Naka-schedule mag-recording ang isang young singer-actress sa isang studio sa Greenhills ng 10 a.m.

Upang maging maingay ang kakantahin ni singer-actress, nagpatawag ng media at TV to cover the recording ng singer-actress.

Maaga pa lang eh nandoon na ang media at TV crew. Waiting ang mga ito hanggang sa dumating ang advance party ng singer upang updated siya kung ready na lahat para makapunta na siya.

Eh nakita ng advance party ng singer-actress ang TV at media na waiting din sa pagdating niya. Sinabi nila ito sa singer-actress.

Naku, sa halip na magmadaling pumunta sa studio, binago bigla ng singer-actress ang oras ng dating niya. Ginawa niyang 10 p.m. sa halip na sa umaga dahil kiyemeng may emergency raw, huh!

Walang nagawa ang media at TV sa pagbago ng oras ng singer-actress. Umuwi na lang sila kesa matengga nang mahabang oras sa kahihintay sa singer-actress!

Pinky, nagmarka sa pagiging kontrabida!

Emosyonal na may kasamang luha ang feeling ng female cast ng GMA’s Abot-Kamay na Pangarap sa finale mediacon ng series.

Magtatapos na kasi ang series na tumagal ng mahigit dalawang taon!

Tumulo ang luha nina Jillian Ward, Carmina Villarroel, Dina Bonnevie, Kazel Kinouchi at Pinky Amador.

Imagine, halos araw-araw ang taping nila at buong-buo na ang samahan nila, huh!

Sa cast, kay Pinky kami na-touch dahil ito ang series na talaga namang nagmarka sa kanya bilang artista. Stage and singing ang unang mundo ni Pinky pero todo kontrabida siya na halos lahat ng pahirap eh ginawa niya!

Naku, matatapos na ang pinanonood naming series sa GMA Afternoon Prime!

Show comments