MANILA, Philippines — Parang showbiz event ang magaganap na election next year.
At hindi lang mga celeb ngayon ang tatakbo, pati mga vlogger, pasok sa pagpapa-file ng certificate of candidacy.
Imagine ang viral vendor na si Diwata (Deo Balbuena), nagsumite noong Miyerkules ng certificate of nomination and acceptance (CONA) bilang ika-apat na nominado ng Vendor’s party-list, isang grupong diumano’y nagtataguyod para sa interes ng mga vendor.
At kinumpara niya ang magiging posisyon kung sakali sa mga namamahala sa kanyang paresan.
Kabilang din nga sa mga celebrity na nag-file na as of this writing ng COC si Marco Gumabao for representative of the Camarines Sur 4th District
Ganundin si Enzo Pineda sa Quezon City.
Pati ang vlogger na si Rosmar Tan na kakandidatong councilor sa Manila; JC Parker councilor, Angeles City and Ion Perez for councilor, Concepcion, Tarlac.
Ang dami pang sinasabing kakandidato ngayong 2025.
Pero sana ay maalala nila ang laging sinasabi noon ng Hari ng Komedya na si Dolphy na “Madaling tumakbo, e paano kung manalo?”
Sa kanyang talambuhay na pinamagatang Hindi Ko Ito Narating Mag-Isa, nabanggit ng comedy kung inalok siya noon ng then Senate President Juan Ponce-Enrile na tumakbo para Senador noong - 1980s.
Inalok din daw siyang mag-mayor sa Manila.
Pero hanggang namayapa ay hindi siya lumahok sa pulitika.