Angelica, araw-araw umiiyak!

Angelica

Inamin ni Angelica Panganiban sa kanyang latest Instagram post na araw-araw pa rin siyang umiiyak. Hindi man niya sinabi kung bakit, obvious na dahil ito sa pagpanaw ng kanyang inang si Mommy Ebela nitong nakaraang Agosto.

Kaya nga raw dahil sa nangyari ay talagang naisip din nila ang kanilang kalusugan.

“Pagkatapos ng mga biglaan at hindi inaasahang pangyayari sa pamilya namin, hindi namin maiwasang maisip ang health namin. At literal kakaiyak ko ng halos araw araw, para bang kung ano ano na naramdaman ko sa katawan ko,” saad ni Angelica.

Payo nga niya sa kanyang mga followers, mabuti na ang maging praning sa health at unahin muna ang pagpapa-check up lalo na kung may mga nararamdaman sa katawan.

“Siguro pag dating sa health mabuti na ang maging praning at unahan na ang mga nararamdaman bago pa umabot sa hindi na natin masolusyunan,” anang aktres.

Sa mga larawang ipinost ni Angelica ay makikitang nagpapa-check up sila ng mister na si Gregg Homan sa isang health clinic.

Bea at Louise, nakabalik sa Kapuso

Tumuntong muli sa GMA network ang dating mga Kapuso actresses na sina Bea Binene and Louise delos Reyes nang mag-guest sila sa Fast Talk with Boy Abunda last Tuesday.

Matatandaang matagal sa GMA network ang dalawang aktres at dito na nga sila halos nagdalaga.

Pero umalis ang dalawa para sumubok ng bagong karera. Sa ngayon ay isa nang freelance artist si Bea habang head chef naman si Louise sa isang kumpanya aside from being an actress.

Sa panayam sa dalawang aktres ay diretsahan silang tinanong ng King of Talk kung may pagsisisi ba sila na umalis sila sa GMA. “Tito, regret, no,” sabi ni Bea, “ako, I’m just very grateful and blessed to GMA because I have been here for 18 years. They have taught me a lot. I’ve experienced so much. I met so many people and that really shaped me to who I am today.”

She added, “siguro not regret but it’s just that it felt like I stepped out of my comfort zone kasi when I transferred and sometimes it’s nice to have that sense of familiarity. Sometimes you tend to get overwhelmed with that very ‘unfamiliar’ world outside and sometimes you just miss being here, you just miss the company here.”

Pero kahit wala na raw siya sa GMA ay mananatili raw ang kanyang utang na loob sa network. “Kahit nasaan naman ako, kahit saan ako dalhin Tito Boy, lagi kong sinasabi na I may not be managed by GMA now, but I’m very grateful for GMA,” aniya.

Si Louise naman ay aminadong nagkaroon siya ng regrets pero may maganda rin naman daw naidulot sa kanya ang mga naging desisyon niya noon.

“Meron akong mga regret, pero yung regrets kasi na ‘yun parang nagkaroon ako ng parang naging okay na ako doon. Kasi kung hindi dahil sa mga ginawa ko before hindi ako magiging si Louise ngayon, lahat ng pagkakamali ko no’n, lahat ng wins ko no’ng time na ‘yun, ito ako.

“And siguro, kung hindi ko ‘yun ginawa, hindi ko makikilala ‘yung mga taong kasama ko ngayon. I will not have this knowledge and this heart for people now,” sey ni Louise.

Show comments