Janno, gusto nang makawala sa pagiging phenomenal latecomer
Ginagawa na lamang joke ni Janno Gibbs ang matagal nang tag sa kanya na parating late sa kanyang commitments bagay na gusto na rin niyang kumawala sa imaheng ito.
Although hindi ikinakaila ni Janno that he’s partly to blame kung bakit siya nabansagan ng pagiging late parati at marami ring trabaho ang nawala sa kanya dahil sa negative tag na ito dahil ayaw na siyang kunin ng mga producer, matagal na umano niya itong binago at sobra na raw siyang professional ngayon be it bilang singer, actor, host o bilang director.
Hindi rin niya ikinakaila na sobra umano niyang nami-miss ang TV at sana’y may pagkakataon pang makabalik siya.
Although nasubukan na rin niya ang magdirek, mas gusto niyang balansehin ang pagiging singer-songwriter, actor-comedian at pagiging director.
Naging directorial debut ni Janno ang comedy film na Itutumba ka ng Tatay Ko na pinagtambalan nila ng dating child star na si Xia Vigor. Ang nasabing pelikula rin ang nagsilbing last movie ng kanyang namayapang ama, ang veteran actor na si Ronaldo Valdez.
Ogie, pinakinggan ng anak
Si Ogie Alcasid ang unang bumati sa kanyang panganay na anak na si Leila van Eimeren Alcasid (26) sa engagement nito sa kanyang longtime partner, ang indie rapper na si Mito Fabie na mas kilala as Curtismith and now as Curtismilo.
Hindi naman nagpahuli sa pagbati sa engaged couple ang dating beauty queen at kinatawan ng Australia sa 1994 Miss Universe held in Manila, ang ex-wife ni Ogie na si Michelle van Eimeren.
“Congratulations on your engagement. Love you both,” post ni Michelle sa kanyang IG account matapos nitong i-share ang announcement ng panganay nila ni Ogie.
Si Mito bale ang kauna-unahang Filipino guy na naging boyfriend ni Leila.
After six years of being together, natuwa si Ogie nang finally mag-propose si Mito sa kanyang panganay.
It was in 2017 nang magdesisyon si Leila na mag-relocate sa Pilipinas from Australia and she stayed with her dad and stepmom na si Regine Velasquez (who’s like a second mother to her) and her half-sibling na si Nate to try her luck in the entertainment business. She even recorded her debut single na pinamagatang Better Weather under Tarsier Records which was released nung Feb. 7, 2020 bago ang pandemya. Pero maaga itong na-in love nang makilala niya ang rapper.
Samantala, ang recent engagement nina Leila at Mito ay nagsilbing anniversary gift ng dalawa para sa isa’t isa at advance birthday gift naman ng panganay nina Ogie at Michelle who is turning 27 sa darating na Oct. 16.
- Latest