Habang nagbubunyi ang fans and supporters ng Concert King na si Martin Nievera sa kanyang sold-out concert sa Araneta Coliseum nung nakaraang Biyernes ng gabi, Sept. 27, ay siya namang simula ng pagluluksa ng mga taga-industriya sa pagpanaw ng OPM icon, ang folk-rock-country singer-songwriter na si Coritha sa edad na 73.
Ang veteran singer-songwriter na siyang nag-compose at nagpasikat ng protest song na Oras Na and other statement songs tulad ng Lolo Jose at Sierra Madre ay binawian ng buhay nung gabi ng Sept. 27 matapos itong hindi na maka-recover sa kanyang stroke nung nakaraang Pebrero 2024.
Dumaan din siya sa depression magmula nang maabo ang kanyang pinundar na bahay in Quezon City sometime in October 2018.
Si Coritha ay sumikat nung late ‘70s hanggang dekada ‘80 at nagpatuloy sa kanyang karera bilang folk singer-songwriter sa mga sumunod na taon.
Martin, may pinatunayan pa sa concert!
Alam mo, Salve A., walang alinlangan na si Martin Nievera pa rin talaga ang nag-iisang Concert King na muli niyang pinatunayan sa kanyang 42nd anniversary in showbiz concert sa Araneta Coliseum ang Martin Nievera: The King 4ever na pinamahalaan ng kanyang godson na si Paolo Valenciano, anak ng kanyang dating archrival, best friend at colleague, ang tinaguriang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.
The sold-out concert na ginanap sa Big Dome nung nakaraang Biyernes, Sept. 27, ang nagpatunay na hindi pa rin talaga nawawala ang kinang at hila ng dating mister ng Concert Queen na si Pops Fernandez na si Martin.
Ang pagiging ‘concert king’ na ikinabit sa kanya ay hindi na nawala kahit 42 years na si Martin sa industriya.
Samantala, ang sold-out Araneta Concert ni Martin last Friday, Sept. 27, ay prelude sa upcoming Valentine concert in February 2025 nila ng kanyang dating misis, ang concert queen na si Pops Fernandez who is also producing the show along with other business partners.
Matagal-tagal na ring panahong hindi nagsasama ang dating mag-asawa top-billing a major concert in the Philippines.
Xian, ramdam ang backlash sa kanyang career?
Ngayong Disyembre ay mag-iisang taon nang hiwalay ang dating magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim na tumagal ang relasyon ng 12 taon pero ito’y nagwakas nung December 2023.
Sa dalawa, mas naunang nagkaroon ng bagong karelasyon ang singer, actor, director at producer na si Xian sa katauhan ni Iris Lee na isang associate producer ng Viva kung saan niya ito nakilala.
Sa hiwalayan nina Kim at Xian ay tila ang huli ang nagkaroon ng backlash pagdating sa kanyang karera habang patuloy namang namamayagpag sa kanyang career ang singer, actress, dancer, host at entrepreneur na si Kim na nali-link ngayon sa kanyang kapwa Kapamilya actor na si Paulo Avelino, although wala pang pag-amin na nagmumula sa dalawa.
Samantala, nag-aaral ngayon sa isang aviation school, ang Toplite Academy Aviation School si Xian na ipinagpapatuloy ang kanyang childhood dream na maging isang piloto.
At 35, mukhang wala pa sa immediate plans ni Xian ang pag-settle down.