KaladKaren, gusto nang makawala sa anino ni Karen!

KaladKaren (Jervi Li)
STAR/File

Ngayong official Mrs. Luke Wrightson na ang impersonator ng TV broadcast journalist na si Karen Davila na si KaladKaren (Jervi Li), gusto na ng actress and entertainment news anchor ng Frontline Pilipinas ng TV5 na ibalik sa dati niyang pangalang Jervi Li sa halip na gamitin pa ang kanyang screen name na KaladKaren kung saan siya nakilala.

Ikinasal siya sa kanyang longtime LDR British fiancé na si Luke Wrightson nung Sept.8, 2024 sa isang cliff-top wedding ceremony.

Very supportive at very understanding ang husband niya dahil alam niyang narito sa Pilipinas ang kanyang trabaho at nag-i-enjoy siya sa kanyang ginagawa.

Samantala, it will take sometime bago tuluyang masanay ang mga taong tawagin siyang Jervi Li sa halip na KaladKaren na siyang nakasanayang tawag sa kanya ng publiko.

Siya ang kauna-unahang transgender na naging (entertainment) news anchor sa telebisyon sa Pilipinas.

Ina ni Sandro, kinasabwat ang GF

Hindi ikinakaila ni Edith, ex-wife ng dating child superstar na si Niño Muhlach at ina ng controversial Kapuso young actor na si Sandro Muhlach, na nagwala umano siya sa Amerika nang malaman niya ang nangyari sa kanyang anak na si Sandro. Gustuhin man niyang lumipad kaagad sa Pilipinas ay hindi niya magawa dahil bukod sa may regular job siya bilang isang nurse, maliit pa ang kanyang bunsong anak (sa kanyang second husband).

Pero ang intention niyang makitang muli ang anak ay hindi nawala kaya kinausap niya ang kanyang husband tungkol sa plano niyang pag-uwi ng Pilipinas at nagpaalam din siya sa kanyang work sa isang hospital in New York and took a week’s leave from work.

Dumating sa Pilipinas si Edith ng gabi ng Sept. 22 and from the airport ay agad itong tumuloy sa isang coffee shop in Quezon City na inayos ng girlfriend ni Sandro na si Shanel at dumating siya doon ng 11:30 p.m., 30 minutes bago ang kanyang 42nd birthday nung Sept. 23. Kaya naging birthday salubong ang kanilang pagkikita ng kanyang panganay.

Nakatalikod si Sandro nang piringan ng mga kamay ang kanyang mga mata sa likod kaya wala siyang idea kung sino ito. Nang ito’y kanyang lingunin ay nakita niya ang kanyang ina. Hindi niya malaman kung siya’y maiiyak nang masilayan ang kanyang ina kasunod na rito ang mahigpit na yakapan ng mag-ina na lahat nakunan ng kasintahan ng Kapuso young actor.

“It was my best birthday ever,” pahayag ni Edith.

Kahit isang linggo lamang ang pananatili niya sa Pilipinas, napakalaking bagay na ito para sa kanya dahil muli niyang nakita at nayakap ang anak na may pinagdaraanan ngayon.

“Babalik ako ng Amerika na magaan ang aking pakiramdam seeing my son na unti-unti nang bumabalik ang tiwala sa sarili,” pagbabahagi pa ni Edith.

Show comments