Kobe at Kyline, benta sa big revelation!

Kobe at Kyline

As we write ay inaabangan ng lahat ng fans nina Kobe Paras at Kyline Alcantara ang big reveal ng dalawa sa social media.

Nag-post kasi ang rumored couple sa kani-kanilang Instagram page ng sweet photo nila together at sinabi sa caption na may magaganap na rebelasyon sa date na Sept. 25, 2024.

Caption ni Kyline, “Together, with him. Special announcement. 9.25.24.”

Sabi naman ni Kobe, “Save the date for a special reveal 9.25.24.” Habang sinusulat namin ito ay wala pang nagaganap na rebe­lasyon at napakarami na ngang nag-aabang.

Sa comment section at kanya-kanya ng reaksyon ang netizens pati na nga ang pamilya ni Kobe at friends nila ni Kyline.

Sey ng kapatid ni Kobe na si Andre Paras, “suit and tie right?”

Sumagot naman ang nanay ni Kobe na si Jackie Forster. Sey niya, “@andreparas what’s the meaning of this.”

Ang iba naman ay kino-congratulate na ang dalawa at may nagprisinta pa na ninong daw siya.

Syempre, ang hinala ng iba ay baka engaged na raw ang dalawa. May humula naman na new endorsement or project daw.

Angelica, pinangalan sa namatay na nanay ang kanilang farm

In memory of her mom, Annabelle “Ebela” Panganiban who passed away recently, ipinangalan ni Angelica Panganiban sa kanyang ina ang farm nila ng mister na si Gregg Homan.

Sey ng aktres sa latest vlog nilang mag-asawa, Ebela’s Farm ang name ng kanilang farm.

Matatandaang pumanaw si Mommy Ebela nitong Aug. 20, 2024.

Sa nasabing new vlog ng The Homans ay mapapanood ang double birthday celebration ni Gregg at anak nilang si Amila na ginanap sa Ebela’s Farm.

“We’re here at Ebela’s Farm. Ipinangalan namin kay mama ang farm, para bang kasama pa rin namin siya. Since hindi pa namin mapatayuan ng building si Ebela (na) Ebela’s Building, Ebela’s Farm muna,” paliwanag ni Angelica.

“Sa mga hindi nakakaalam, si Ebela is my mom who passed away (on) August 20th. So med­yo sudden ang kanyang pang-iiwan sa atin, pero ganoon talaga,” dagdag pa ng aktres.

Sey pa ni Angelica, nagpahinga sila for a while dahil sa pangyayari at ngayon lang ulit bumalik sa social media.

“Nagpahinga kami dahil sa mga kaganapan recently. But life goes on. Kailangan namin i-celebrate ang life. Birthday na ni Amila. Birthday na rin ni Greg. So, both September celeb­rants sila kaya nag-decide kaming mag-celebrate dito sa farm. Maliit na celebration lang with family and mga kaibigan lang ni Gregg,” pagbabahagi ng aktres.

Sa nasabing selebrasyon ay duma­ting si direk Andoy Ranay na ninong ni Amila at matalik na kaibigan ni Angelica.

Show comments