TV personality, nagsi-share ng shirtless selfies sa young actors!

Hilig ng TV personality na ito na produkto ng isang talent show sa TV ang mag-post ng kanyang shirtless selfies.

Mga selfies pa naman niya ay kung hindi siya pawisan sa gym, basa naman siya dahil lumublob siya sa swimming pool o sa bathtub.

Ang nakakagulat lang na tsika kay TV personality ay kung kani-kanino niya pinapadala ang kanyang shirtless selfies.

Ayon sa isang source, sine-send daw ni TV personality ang sexy selfies niya sa tatlong male young actors via private messaging.

Nang minsang magkita-kita ang magbabarkadang boys dahil nagkaroon sila ng dance rehearsal, nalaman nilang pinadalhan silang tatlo ni TV personality ng shirtless selfies nito.

Hindi raw ma-gets ng tatlong boys kung bakit kailangang ipadala ni TV personality ang photos niya sa kanila?

Kilala naman daw nila si TV personality at nakasama na nila ito sa mga out of town show kaya ’yung nag-exchange text message sila ay normal, pero ‘yung mag-send ng sexy selfie ay “weird” para sa kanila.

Nang tanungin ng isa sa boys si TV personality via DM kung bakit nag-send ito ng pawisang selfie sa gym, sagot lang daw ay wink at laugh emoji.

Inisip na lang ng three boys na nagiging pilyo lang daw siguro ito o humihingi lang ng compliment sa pagiging maalaga nito sa katawan. Pero may chismis nga kasi sa sexual preference ni TV persona­lity.

Carla, may insecurities!

Inamin ni Carla Abellana na may insecurity siya sa kanyang timbang. Noong nagsisimula raw siya sa showbiz, lagi siyang concern sa paglaki ng katawan niya.

“I see photos of other people who are so fit and I can’t help but feel insecure. I also wish weight would work like magic, but no… There really is no shortcut,” sey ng Widows’ War star.

Sa dalawang magkasunod na posts sa Instagram, seryoso niyang ibinahagi ang tungkol sa kanyang challenging na weight loss journey. Sanhi nga raw ito ng pagkakaroon niya ng hyperthyroidism for five years.

Pero nakahanap daw siya ng diet plan na epektibo sa pagbawas niya ng timbang, 18lbs na raw ang nawala sa kanya.

Friends actor Matt Leblanc, may depression din

Concerned ang cast ng Friends sa kasamahan nilang si Matt LeBlanc dahil sa hitsura nito ngayon.

Ilang buwan na raw hindi nagpapakita in public ang aktor after nitong dumalo sa memorial service ng co-star and good friend nitong si Matthew Perry last December 2023.

Namataan kamakailan si Matt sa isang car showroom sa San Fernando Valley na naka-jeans, shirt at cap. Halos hindi na raw siya makilala dahil sa balbas at nadagdagan pa ang timbang nito.

May nagsabing source na dumadaan sa depression si Matt dahil sa biglaang pagpanaw ni Perry.

Show comments