Kathryn, aapak sa GMA!

Kathryn

Na-excite ang fans sa teaser drop today ng pelikulang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na mapapanood sa Nov. 13, 2024 sa mga sinehan. Gusto nang malaman ng fans ang continuation at ending ng love story nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) na nagsimula sa Hello, Love, Goodbye.

At ang sunod na aabangan ng fans ay ang official poster reveal ng movie sa Oct. 5, 2024. Isasabay ang poster reveal sa first mall show nina Alden at Kathryn sa Ayala Malls Solenad sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna.

At dahil collaboration ng Star Cinema at GMA Pictures ang HLA, it follows na magpo-promote sa shows ng GMA 7 si Kathryn.

Parang mas sigurado ang paggi-guest niya sa Fast Talk with Boy Abunda.

Basta, waiting lang ang fans, lalo na ang KathDen fans sa kanilang mga ganap in promoting their movie.

Bea, ninega sa Madrid residency card

Pansin namin sa mga comment, ang daming bitter o inggit lang sa pagkakaroon ni Bea Alonzo ng Madrid Residency Card.

Bakit kailangan pa raw i-flex ng Widows’ War aktres ang kanyang residency card? Kesyo, maraming Pinoy na resident na sa ibang bansa na mas mayaman sa Spain, pero hindi pini-flex na mga resident na sila.

Depensa naman ng fans niya, kanya-kanya lang trip ‘yan at kung gusto niya na i-flex ang pagiging Madrid resident niya, it is her prerogative. Dagdag pa ng fan niya, nagkaroon siya ng residency card dahil  na-afford niyang bumili ng property sa Madrid na worth P30 million thru hard work na tama naman.

Tama rin ang isa pang fan na ang iba nga, makapagkape lang sa Starbucks at makapag-dine sa mga mamahaling restaurants, pine-flex na. Ginagawa rin nating lahat na bago kumain, kinukunan muna ng photos ang food na nakahain.

Sa rami ng hate comments sa pagkakaroon ng Madrid Residency Card ni Bea, mas marami pa rin ang masaya para sa kanya. Ang tanong lang ng kanyang fans, may balak ba siyang iwan ang Pilipinas at tuluyan nang manirahan sa Madrid? Paano na raw ang career niya at ang Beati Farm niya sa Zambales?

Rico, inisnab ang birthday ni Maris!

Inabangan pala ng fans ang birthday message ni Rico Blanco sa ex niyang si Maris Racal noong Sept. 22, pero wala silang napala. Kaya ang fans na lang nila ang bumati kay Maris in Rico’s behalf.

Saka busy siya, sa Instagram nito, may series of shows sila ng Rivermaya and after Canada, sa USA naman at marami pa silang pupuntahan. Wala na rin siguro siyang time na batiin ang kanyang ex, saka mukha namang pareho na silang nakapag-move on after their breakup.

Ang co-star sa Incognito ang kasama ni Maris sa kanyang birthday, may pa-birthday cake sa kanya si Anthony Jennings. Medyo malungkot sa caption niyang “It was my birthday, i was stuck on a plane, and i was feeling the blues haha. ty.”

Dahil sa gesture na ‘yun ni Anthony, may mga nag-wish na sana maging sila na ni Maris dahil bagay sila, may chemistry at tanggap ng fans ang kanilang tambalan.

Kaya lang, may nag-comment na taken na si Anthony at hanggang may girlfriend ito, walang chance na maging for real ang reel love team nila.

Show comments