Hindi naman sinabi kung ano ang dahilan, pero tinanggihan ng direktor na si Mike de Leon ang Gawad CCP bilang alagad ng sining sa pelikula.
Hindi man tinanggap ng direktor ang karangalan, ang naging desisyon ng CCP ay itago ang kanyang medalyon at plaque, at kung dumating ang panahon na magbago ang kanyang isip at hingin niya iyon, ipagkakaloob pa rin sa kanya.
Bukod doon, si direk Mike ay kabilang pa rin sa mga pinararangalan sa isang exhibit na ginaganap sa lobby ng theater sa Circuit, kung saan ginawa ang parangal dahil ang CCP ay under renovation ngayon.
Simula noong buksan ang CCP noong 1969, ngayon lang ito sumasailalim sa major repairs, at sinasabing tatagal iyon ng tatlong taon. Iyan ang dahilan kung bakit ang events ng CCP ay ginaganap sa ibang lugar sa ngayon.
Pero sino nga ba si Mike de Leon at ano kaya ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ang parangal ng CCP?
Si Mike ay apo ni Dona Sisang, na siyang nagtatag ng LVN Pictures, ang kumpanya na itinuturing na siyang pinakamalaki sa Pilipinas at madalas na maihalintulad sa MGM ng America dahil sa kanilang malalaking studios at nasa kanila ang pinakamalalaking stars at direktor ng pelikula noong kanilang panahon, ay binuo ng mga De Leon, Villongco at Navoa.
Nagsimula ang LVN bago magkadigma noong 1938 at magmula noon ay gumawa ng napakaraming mga malalaking pelikula, kabilang na ang mga itinuturing ngayong mga klasikong pelikulang Pilipino.
Noong lumaon ay dumami na ang mga kumpanyang gumagawa ng pelikula kaya tumigil na rin ang LVN at sila ay naging pinakamodernong post production laboratory hanggang sa tuluyan na ngang isara ang kanilang studios noong 2005. Iyan ang nakalakihan ni direk Mike de Leon, nasanay siya sa laboratoryo ng pelikula at nang malaunan ay pumasok na cinematographer ng pelikula ni Lino Brocka.
Nang malaunan ay nagdirek na rin siya ng pelikula.
Nabuhay ang isyu...Angel, nagbebenta ng mga ari-arian?!
Aywan kung totoo ang mga kuwento, nagbebenta raw ng ilan niyang ari-arian ang aktres na si Angel Locsin, at dahil masaya naman daw iyon sa kanyang tahimik na buhay, wala pa iyong balak na balikan ang pagiging artista niya.
Alam naman daw ni Angel na hinahanap na siya ng kanyang fans, pero sa ngayon enjoy pa siya sa pagiging simple housewife.
Pero sana naman balikan ni Angel ang kanyang pagiging artista dahil kailangan ngayon ng industriya ang mga mahuhusay na aktres na gaya niya.
Mga high government official na bading, luma na
Kahit na saan ay pinag-uusapan ngayon ang kabaklaan ng isang personality. Kung bakit naman kasi naging burara sa pag-iiwan ng mga kasulatan kung saan-saan eh.
Pero hindi naman nag-iisa iyan.
Noon pa may naririnig din kaming high government official na diumano ay nagkaroon ng relasyon sa isang sikat na aktor na hiwalay sa asawa. Ayaw naming maniwala sa tsismis pero dalawang ulit naming nakita ang high government official na kasama ang aktor, una sa isang coffee shop ng isang malaking hotel sa Taguig, tapos sa isang hotel din sa Tagaytay.
Bakit ano ang akala ninyo, sa showbusiness lang maraming bading?