^

Pang Movies

Ken, mas mabigat ang kaso kesa kina Luis at Ricardo?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Halos isang taon ding nakulong ang aktor na si Ricardo Cepeda, matapos siyang damputin ng pulisya sa isang event na kanyang pinuntahan sa Caloocan dahil sa isinampa sa kanyang kaso ng syndicated estafa.

Sinabi ni Ricardo na wala naman siyang kinalaman sa reklamo laban sa kanya. Siya raw ay kinuha lamang na endorser ng isang kumpanya, at bilang endorser lamang hindi naman siya bahagi noon. Pero nagkalokohan diumano sa kumpanya at hindi naibalik ang pera ng investors, at dahil si Ricardo nga ang endorser at siya ang kilala ng mga tao, siya ang sinampahan ng kasong syndicated estafa.

Delikado talaga ang ganyan. Muntik na ring mapahamak sa ganyan si Luis Manzano.

Ganyan din ang kaso ni Ken Chan ngayon, ang kaibahan lang si Ken diumano mismo ang kumuha ng investments at siya ang nagtayo ng naluging restaurant at gasoline stations kaya hindi niya maibalik ang pera nang dumating ang tamang panahon kaya siya kinasuhan.

Angel, nasayang ang galing

Ano na nga ba ang nangyari kay Angel Locsin? Ang tagal na niyang walang ginagawang pelikula. Ni hindi siya nagpapakita sa kanyang fans. May nagsasabing dahil daw iyon sa naging problema niya sa kanyang likod. Na malamang nakuha rin niya dahil sa mga action movie na kanyang ginawa noon.

Inoperahan siya sa Singapore at simula noon ay sinabihan siyang magpahinga muna, tumaba naman siya nang husto at gustuhin man niya hindi siya puwedeng lumabas sa pelikula o sa telebisyon man.

Aktibo rin naman siya sa serbisyo publiko. Basta may mga kalamidad, maaasahan mong nariyan agad siya bilang volunteer ng Philippine Red Cross.

Noong pandemic, isa siya sa nanguna sa pagtulong sa frontliners. Lahat ng iyon ay galing mismo sa bulsa niya. Bahagi iyon ng kinita at naipon niya sa pag-aartista.

Ang masakit doon, tumutulong na nga siya, na-red tag pa ng NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict).

At nang dumating ang birthday niya naisipan niyang sa halip na maghanda at mag-party ay tumulong na lang sa tao sa paglalagay ng isang community pantry. May isa namang nahilo, at bagama’t mabilis nilang naisugod sa ospital ay binawian din ng buhay. Si Angel pa ang sinisi nila sa pagkamatay noon..

Siguro dahil doon kaya nadismaya si Angel at nagdesisyong tumahimik na lang.

Pero sayang si Angel, maganda at magaling na aktres, at kumikita ang pelikula.

Nadine, wala ring planong makipagtambal ulit kay James?!

Ayaw na raw talagang tumambal ni James Reid kay Nadine Lustre.

Pero si Nadine ba naman ay isusugal ang katayuan ng kanyang career sa ngayon at makikipagtambal pa kay James? Kahit na sabihin man ni James na gusto niya, may ginagawang pelikula ngayon si Nadine, kasama siya sa pelikula ni Ate Vi (Vilma Santos), at Aga Muhlach, iyong Uninvited, na tiyak namang magiging hit.

Pagkatapos noon tiyak na ang balik naman ni Nadine ay sa Viva kung saan siya may kontrata hanggang 2029. Ang tanong kukunin pa ba ng Viva si James Reid para itambal kay Nadine? Mukhang suntok na iyon sa buwan.

RICARDO CEPEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with