^

Pang Movies

Showbiz couple, may papasuking negosyo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Papasukin na ng isang showbiz couple na kailan lang umamin ng kanilang relasyon ang isang negosyo.

Ayon sa aming source, ang negosyong balak nilang pasukin ay matagal na nilang sinimulan pero ngayon lang gagawing full blast!

Matagal nang may relasyon ang dalawa pero pakyut-kyut lang sila nung una. In fact, ang lalaki ang humikayat pa sa aktres na tapusin ang kanyang pag-aaral kahit may edad na.

Sinunod naman ng aktres ang payo ng lalaki at nakapagtapos siya ng isang kurso.

May anak na kapwa ang dalawa sa mga nakaraaan nilang relasyon. Pero ang alam namin, teenager pa lang si girl eh type na type na niya si aktres na gaya ng aktor, galing sa pamilyang sa showbiz lumaki.

Apo ni Mother, papalit sa Regal

Iiwan muna ng unang apo ni Mother Lily Monteverde at panganay ng anak na si Roselle na si Keith Monteverde ang pagiging lawyer sa States upang pangasiwaan ang Regal Entertainment sa pagsapit ng 60th year nito sa showbiz.

Magkakaroon ng isang celebration at pag-welcome kay Keith sa darating na araw upang makilala rin ng media.

Unassuming at hindi feeling entitled si Keith nung dumating sa bansa sa wake ng kanyang yumaong lolo at lola.

Welcome sa Regal, Atty. Keith!

vuukle comment

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with