Arjo, sinagot ang pagbubuntis ni Maine!
Hindi inaasahan ni Arjo Atayde na siya ang mananalong Best Male Lead in a TV Program/Series at the recently-concluded ContentAsia Awards na ginanap sa Taipei.
Arjo bagged the award for his standout performance sa crime-thriller series na Cattleya Killer.
Pangalawang international win na ito ng aktor/pulitiko dahil matatandaang nanalo rin siyang Best Actor at the Asian Academy Creative Awards 2020 for his role in Bagman.
Ayon kay Arjo, nang dumalo siya sa ContentAsia Awards ay wala raw siyang anumang expectation.
“To be nominated is already such a privilege. The recognition itself will be a bonus as we always say,” pahayag niya sa ginanap na thanksgiving party niya for the entertainment press last Friday.
Nakakabilib nga rin si Arjo nakakaya niyang pagsabay-sabayin ang pagiging aktor at pulitiko bilang Representative ng 1st district ng Quezon City. Sey nga niya, for this year ay halos tapos na raw ang lahat ng kanyang proyekto, showbiz man or politics.
And of course, hindi rin niya napapabayaan ang responsibilidad niya bilang asawa ni Maine Mendoza. They just celebrated their first wedding anniversary recently at ayon sa aktor/pulitiko, ang wifey raw niya ang kanyang priority pa rin.
Natanong din ang aktor kung buntis na ba si Maine since nawala ito sa Eat Bulaga at sey niya, “hindi po, we went on a vacation for our first wedding anniversary po.”
Nilinaw rin niya ang lumalabas na tsismis na ang nanay niyang si Sylvia Sanchez na ang tatakbong congresswoman sa darating na eleksyon.
“No, it’s not true, my mom’s not replacing me. I have much to do, we have been working very hard in the district and as a promise to my responsibility, to my commitment to the people from this month actually, from last month pa, nu’ng natapos ko na ‘yung mga commitments, I was able to keep myself free until after elections so that I can focus of course po to the district,” paglilinaw ni Arjo.
Sa nasabing thanksgiving dinner ay pinakita rin ang trailer ng action film niyang Topakk na malapit nang ipalabas. Kasama niya rito si Julia Montes mula sa direksyon ni Richard Somes.
Malapit na ring mapanood ang digital series niyang The Bagman with Judy Ann Santos, John Arcilla at marami pang iba.
- Latest