MANILA, Philippines — Nagmukhang faney ni Liza Soberano si Pia Wurtzbach.
Super tili nga ang former Miss Universe nang makita si Liza sa ginaganap na New York Fashion Week.
Pareho silang rumarampa sa nasabing fashion event.
Si Liza na nga raw ang susunod kay Heart Evangelista na suki sa mga sikat na fashion event sa buong mundo.
Lalo na at rumampa si Liza sa Bvlgari Studio sa New York. Hinahanap nila si Pia sa nasabing Bvlgari Studio dahil kilalang friend of the house ng Bvlgari si Pia pero ba’t daw si Liza ang andun.