Maris, hinintay sa Toronto Filmfest!

Maris Racal

Sold out ang screening ng Sunshine sa Toronto International Film Festival kung saan bida si Maris Racal sa pelikula ni Direk Tonet Jadaone.

Base sa posts, halos nandun na ang lahat sa Canada, at si Maris na lang ang hinihintay?

Hindi makakarating si Maris sa prestihiyosong international event na ito.

Sana nagawan ng paraan kahit na nagsimula na ang shoot ng kanyang bagong tele­serye na Incognito.

Kung si Janine Gutierrez nakapunta ng Venice Film Fest, dapat si Maris din, ‘di ba?

KathDen fans, may sked agad ng black screening

Sa Nov. 13 pa ang showing ng Hello, Love, Again ng Star Cinema at GMA Films with Kathryn Bernardo and Alden Richards pero ngayon pa lang ay may nagco-confirm na ng block screening ng 1 p.m. sa Trinoma Cinema 1 and 2 at P390!

Grabe ang tiyaga ng supporters ng dalawang stars, ‘di ba?

Pero teka, paano kaya nalaman na Cinema 1 and 2 ang assigned na theaters sa Trinoma?

Well, ‘yung 1 p.m. timeslot naman daw ay tentative pa. Pero one thing is sure, desidido talaga ang mga KathDen na maging major major box-office hit itong pelikulang ito! ‘Yan kaya ang pressure sa Lucky Charm ng Pelikulang Pilipino na si Joross Gamboa? Sana um-effect talaga!

Film industry month, pinagtutulungan na

Philippine Film Industry Month Gala mamaya sa Teatrino, Promenade sa Greenhills, at muli, naroon ang suporta para sa Film Development Council of the Philippines. Host si Enchong Dee with performers Nyoy Volante, Jason Dy, Katrina Velarde, Klarisse de Guzman and Jona. Present na rin siguro ang bagong Film Aca­demy of the Philippines Director General Paolo Villaluna.

Maganda lang na karamihan ng sektor sa industriya ay nagsasama at nagtutulungan. Kahapon lang, kasama ng MMDA, Aktor at iba pang grupong pang industriya, nagpaplano ang lahat para lalo pang mapasigla ang ating lokal na aliwan.

Saan hahantong ang lahat ng ito? Sana suportahan talaga at tulungan! Tama na muna ang kanya-kanya, ‘di ba?

Mga celeb, present sa MIBF!

Masaya sa Manila International Book Fair bukas, Saturday, dahil may book launching si National Artist Ricky Lee ng bago niyang no­belang Kalahating Bahaghari. The event will be hosted by John Lapus and Candy Pangilinan at dadaluhan ng mga workshoppers at kaibigan ni Ricky Lee at ang iba roon ay celebrities.

Ang tanong: nagbabasa pa ba ang mga tao? Siguro naman! Nagsisimula ang pag-unlad sa ating industriya sa pagbabasa at pagsusulat ng magagandang kuwento!

Nakakataquote:

“Bawal sumuko. Tuloy po ang #Laban.” – Kris Aquino na pabalik na raw sa Pilipinas soon

Show comments