Ex-beauty queen Shamcey Supsup, parang na-Ondoy ang bahay sa Enteng

Hindi rin pala nakaligtas ang bahay ng dating beauty queen na si Shamcey Supsup sa Bagyong Enteng.

Ipinakita niya ang pinsalang natamo ng bahay nila at makikita ang grabeng putik at baha na pumasok doon at magugulo ang kanilang gamit. “Ondoy all over again. Hope everyone is safe and sound,” caption niya sa pinost niyang mga litrato na nakapanlulumong tingnan habang lubog sa baha ang mga gamit nila.

Ikinumpara niya ang Enteng sa Bagyong Ondoy na nangyari noong September 2009 na isa sa pinakamalalang pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Mukhang kailangan na nga raw nitong lumipat ayon sa netizens na sinang-ayunang nakapanlulumo talaga ang ganitong pangyayari. Hindi raw biro ang pinsala at paglilinis pagkatapos nito.

Sana nga raw may gawing hakbang ang mga pulitiko kesa unahin ang mga ibang bagay dahil para ito sa mas ikabubuti ng maraming Pinoy na paulit-ulit lamang nating problema.

Nasa 12 katao na nga raw ang namatay dahil sa mga landslide at sobrang pagbaha na dulot ng bagyong Enteng.

Wala nga talagang pinipili ang mga ganitong sakuna at lahat ay apektado kahit ang mga gaya nilang celebrity.

Sana na nga ay matapos na ang mga pagbagyo.

Show comments