Male personality, nagtitiyaga sa maikling exposure para sa pulitika!

Nagtitiis lang pala ang isang male personality na mapabilang sa isang show kahit maiksi lang ang exposure niya.

Eh meron kasing planong pumasok sa pulitika ang male perso­nality kaya hanggang puwede pang lumabas sa isang show eh ginagawa niya.

Ayon sa source namin, local position daw ang target ni male persona­lity. Mas feel niya raw makasama ang mga taong kalugar niya!

MTRCB, may censorship na?!

Sinang-ayunan ni MTRCB Chief Lala Sotto ang desisyon ng Board na bigyan ng X rating ang pelikulang Dear Santa ni Paolo Contis.

May violation daw ng PD 1986 ang movie at ayon sa post ni Chief Lala na lumabas sa social media, “I have seen the film. I joined the board. I am offended as a Christian. It is not demonic, but it has a different depiction of Satan becoming good. But Satan will never ever be good.”

Ang umapela ang recourse ng producer ng movie.

Classification ang trabaho ng MTRCB, ‘di ba? Parang may censorship yata, huh!

Show comments