Vic, nagbabawi!
Kahit may iba nang pamilya ngayon si Vic Sotto, si Pauleen Luna at dalawang anak na sina Tali at Mochi, hindi nini-neglect ng veteran actor-comedian, host and producer ang kanyang pagiging ama sa kanyang grown up children na sina Danica at Oyo Sotto (sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie), Vico Sotto (sa veteran actress na si Coney Reyes) maging sa anak niya kay Angela Luz na si Paulina na hiwalay na sa kanyang (dating) asawang si Jed Llanes.
In fairness kay Pauleen, she’s close sa lahat ng mga anak ni Vic, his children in-laws maging sa kanyang mga apo kaya wala siyang isyu sa mga ito kahit halos magkalalapit lamang ang kanilang mga edad.
Hindi maikakaila na hindi siya naging hands-on dad sa kanyang mga anak na may kani-kanya nang pamilya except for Vico Sotto na wala pa ring girlfriend at pamilya hanggang ngayon, kaya binabawi niya ito sa dalawa nilang anak ni Pauleen na sina Tali at Mochi.
Speaking of Bossing, bukod sa noontime program na Eat Bulaga, balik ito sa Metro Manila Film Festival sa pamamagitan ng unang pagsasama nila ni Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual sa pelikula, ang The Kingdom, na isa sa mga opisyal na kalahok sa 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival sa darating na Dec. 25, 2024 hanggang Jan. 7, 2025. Ang pelikula na pamamahalaan ni Mike Tuviera (ng APT Entertainment) ay tatampukan din nina Cristine Reyes, Sue Ramirez, Sid Lucero at iba pa at joint production ng M-Zet Productions, APT Entertainment at MQuest Ventures.
MMFF movies, mapapanood ulit sa Hollywood!
Si Omen Ortiz pa rin ang tumatayong chairman ng Manila International Film Festival, ang grupo ng Filipino-Americans na siyang may tangan ng ikalawang MIFF in cooperation with MMDA’s Metro Manila Film Festival na lahat ng 10 official entries ng 50th anniversary ng MMFF ay ipapalabas din Hollywood sa loob ng isang linggo na ang culmination rites ay sa pamamagitan ng awards night na nakatakdang ganapin sa grand ballroom ng Beverly Hilton in Beverly Hills, California.
Inaasahan ang pagdalo sa MIFF in Hollywood ng lead stars, producers and directors at mga opisyales ng MMFF mula sa Pilipinas na tiyak na dadayuhin ng mga Pinoy hindi lamang sa California kundi maging sa East Coast ng Amerika.
Kung may mga birth pains man ang 1st MIFF, umaasa ang grupo na pinamumunuan ni Omen na ito’y maiiwasan na nila on their second year.
Henry, sumunod sa ginawa ni Rhea
Nagpaalam na ang veteran radio and TV journalist-anchor ng ABS-CBN na si Henry Omaga Diaz sa kanyang viewers at kasamahan sa TV Patrol. Si Henry ay magma-migrate na ng Canada with his family – his wife and a son.
Si Henry ay pangalawang Filipino TV journalist na nag-move sa Canada. Nauna na rito si Rhea Santos ng GMA nung 2019 kung saan din lumipat ang kanyang pamilya.
- Latest