^

Pang Movies

Regine, na-in love noon kay Mark!

Gorgy Rula - Pang-masa
Regine, na-in love noon kay Mark!
Mark Bautista at Regine Velasquez-Alcasid
STAR/File

MANILA, Philippines — Suportado ng Viva Entertainment at mga kaibigan ang concert ni Mark Bautista na Mark My Dreams na ginanap sa The Theatre at Solaire noong nakaraang Sabado, Aug. 31.

Bale selebrasyon ito ng 21st anniversary ni Mark sa showbiz. Kaya very personal ang kanyang concert na kung saan sinimulan ito ng kuwento nang pagsali niya sa Star For A Night na napanalunan ni Sarah Geronimo. First runner-up dito si Mark, pero marami ang nakapansin sa kanyang galing at pinapirma rin ito agad ng Viva.

Napuno ang venue ng concert ni Mark at nakikita mo talagang hands-on siya sa konsepto nito.

Special guests niya sina Regine Velasquez-Alcasid, Christian Bautista, Erik Santos, Katrina Velarde, Jona, Arthur Nery, Rob Deniel, at performers sa dinirek niyang Mr. Streisand na sina Audie Gemora, Franco Laurel at Arman Ferrer.

May special participation din ang ilang Vivamax actors na kasama niya sa Full Monty number niya.

Meron pang virtual na duet si Mark kay Barbra Streisand. Pero kaabang-abang siyempre ang kay Regine na kung saan proud ang Asia’s Songbird na naging bahagi siya sa journey ni Mark bilang isang magaling na singer.

Ikinuwento ni Regine ang pagkakahalintulad ng mga pinagdaanan nila ni Mark noong nagsisimula pa lang sila sa pagsali sa singing contests.

Ani Regine, “Nakita ko si Mark bata pa lang siya. And the first time I saw him, he had this really nervous look, and nung kinuwento sa akin ng staff kung bakit, kasi wala pala siyang pamasahe pauwi.

“So… ‘yung mindset niya, he has to win. And you know, meron din akong mga ganyang experiences. ‘Yung tumatawid ako ng bukid, tapos, nasa gitna kasi nung stage ng singing contest. So maglalakad ka lang, hindi na kasya ‘yung tricycle dun. So, lalakarin mo ‘yun ng naka-three-inches ka na high heels. So wala ka nang choice. Alangan namang magpaa ka dun. Pero minsan puwede din.

“So, lalakarin mo ‘yun. So ako ‘yung mindset ko, ‘my goodness, kailangan ako manalo dito kasi lalakarin ko ‘yun pabalik.

“Can you imagine, kung natalo ako (nakatungo siya na parang lugung-lugo). Ang lungkot ng lakad mo ‘di ba?

“Gagawin mo lahat, at ‘yun ‘yung nakikita ko kay Mark, ‘yung determination niya nandun. And of course he has this huge, beautiful and so clear na voice talaga na I’ve fallen in love with his voice, and his personality, he was so quiet.”

Ibinahagi rin ni Mark ang kuwento niya nung pagkatapos daw ng Star For A Night, hiningi raw ni Regine ang phone number niya pero naunahan siya ng Viva dahil pinapirma ito agad ni Boss Vic del Rosario.

Nagpasalamat si Mark dahil matagumpay ang kanyang anniversary concert sa tulong ng mga malalapit na kaibigan na talagang kasama niya mula nung nagsimula siya hanggang ngayon.

vuukle comment

VIVA ENTERTAINMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with