Angeline, pinagdiwang ang pagiging nanay

Ang bongga naman ng Piliin Mo Ang Pilipinas singer na si Angeline Quinto na sinelebreyt ang motherhood.

Proud mom ang misis ni Nonrev Daquina sa mga anak na sina Sylvio and Baby Sylvia.

Kailan lamang ay pinanganak niya ang second baby nila na si Azena Sylvia.

Ipinost niya ang mga litrato ng pagbubuntis at panganganak niya bilang pagselebreyt ng motherhood nang buong puso. Sinabi nitong ang journey na ito ay puno ng saya, pagod at walang hanggang pagmamahal.

Sobrang saya raw maging nanay at nakakataba ng puso ang bawat yakap, tawa at milestone.

Sinabi noon ni Angeline na kinukulit siya ng Mama Bob niya noong nabubuhay pa ito na mag-asawa na siya dahil iniisip daw nito na wala siyang kasama ‘pag nawala na ang nanay niya. At totoo raw pala ang sinabi nito na nakakalungkot nang mawala ito.

Pero ngayon lutang na ang saya kay Angeline na kuntento na sa pamilya nila ni Nonrev.

Nakwento rin niya noon na nang magkaanak daw siya ay nadiskubre niyang napaka-strong niyang babae. Sa kabila raw ng mga nangyari sa kanya, nagtratrabaho pa rin siya para sa kinabukasan ng anak niya. Hindi raw niya akalaing kaya niyang maging nanay. Araw-araw daw siya noong nagdarasal kung ano ang purpose niya at ng mga panahon ding iyon ay dumating ang panganay niyang si Sylvio.

Show comments