Ang cute-cute ng post ni Pauleen Luna sa dalawa nilang anak nila ni Bossing Vic Sotto.
Parang gusto mong kurutin sa kakyutan sina Tali at Moochi.
Ang swerte-swerte nila na ang kyut ng mga anak nila.
Kaya halos ayaw nang lumabas ng bahay ni Pauleen dahil sa dalawang anak nila.
Jolina, kontrabida naman
Nakakatuwa naman na mapapanood na ulit si Jolina Magdangal sa isang serye, sa Lavender Fields.
Matagal ding hindi napanood sa teleserye si Jolina.
Bida rin ba siya rito? Ok lang din naman kahit supporting lang siya. Basta importante, may serye siya.
Kilala ng henerasyon ngayon si Jolina bilang ang relatable na “momshie” sa morning show na Magandang Buhay at sa pamamagitan ng mga video edit na nagpapakita ng kanyang impluwensya sa pop culture noong ‘90s at early 2000s.
Pero bilang isang kontrabida ay hindi masyadong malapit sa well-loved showbiz personality. At mababago ito sa papel niyang si Lily Atienza sa paparating na prime time series, Lavender Fields.
Gaganap siyang loyal best friend ni Iris, played by Janine Gutierrez, na isa sa mga bida ni Jodi Sta. Maria.
Bongga at least may serye ulit si Jolens.